Advertisers

Advertisers

Sec. Remulla vs ‘bastos’ Vice Mayor Respicio

0 36

Advertisers

MATAPOS ang sigawan sa isang forum sa pagitan ng Vice Mayor at Barangay Chairman sa Reina Mercedes, Isabela, ang DILG Secretary at ang naturang Vice Mayor naman ngayon ang nagpapalitan ng maanghang na mga salita sa social media.

Sinabi ni DILG Sec. Jonvic Remulla na sa tingin niya ay naka-droga si Vice Mayor Harold Respicio nang pagsisigawan niyang “magnanakaw” ang isang kapitan ng barangay sa kanilang forum sa munisipyo ng Reina Mercedes.

Si Respicio, isang abogado, ay kilalang DDS at nangunguna sa mga rali laban kay Pangulong “:Bongbong” Marcos, Jr.



Say ni Jonvic, gusto niyang ipa-test si Respicio kung gumagamit ito ng ipinagbabawal na gamot.

“Tingin ko talaga adik, eh. Eh kasi ngayon lang ako nakakita ng Vice Mayor na kung manigaw, ganun, ‘di ba? Parang nakasinghot eh, kung umusta,” bira ni Sec. Jonvic



Resbak naman ni Respicio, “Sec. Jonvic, let’s go now! Today, punta tayo sa St. Lukes. Samahan mo ako, kuhanan n’yo ako ng dugo.”

Kayo, mga pare’t mare, ano sa tingin ninyo kay Respicio. Naka-droga ba, o mayabang lang talaga?



***

Viral ngayon ang iniwang opisina ng nakakulong na Senador Jinggoy Estrada na gagamitin sana ni Sen. Tito Sotto.

Nadiskubre kasing hinubaran ang naturang opisina. Baklas lahat ng tiles sa flooring at wall, pinutul-putol ang electricity wirings, pati inidoro tinangay. Ang lupet ng may gawa. Hehehe…

Todo tanggi naman ang kampo ni Jinggoy sa paggahasa sa naturang opisina.

“The said vacated office, when it was turned over to Sen Estrada in 2022 was likewise bare.”

Pero sabi ni Sen. Ping Lacson, nang i-turn over niya ang naturang opisina kay Jinggoy noong 2022 ay maayos ito. Iniwan aniyang buo ang opisina dahil ginamitan ito ng pondo ng gobierno.

Saan naman kaya dinala ang mga binakbak na tiles? Sa kulungan ni Jinggoy? Nagtatanong lang po. Hehehe…

***

Pinaaaresto na ng korte si Congressman Leandaro Leviste, ang batang bilyonaryong unico hijo ni Senadora Loren Legarda.

Ito’y kaugnay ng isinampang kasong kriminal ng Department of Justice laban kay Leviste at sa dalawa pang corporate officers ng Solar Para Sa Bayan Corp. (SPSBC) dahil sa ‘di pagsunod sa kanilang obligasyon sa ilalim ng legislative franchise ng kumpanya.

Ang Information ay isinampa sa Makati RTC Sept. 29, 2026 laban kina Leviste, Hazel Iris Lafuente Buencamino at Irma Flaminiano bilang incorporators at corporate officers ng SPSBC.

Kinasuhan sila ng paglabag sa Section 25 ng Commonwealth Act 146 or Public Service Act.

May piyansa ang kaso ni Leviste, P72,000 lang!

Say ni Leviste, “maliit na bagay lang ito”.

Barya lang talaga ito para sa isang bilyonaryo. Pero babalik pa kaya sila ni Loren sa Pilipinas? Ilang buwan na sila sa ibang bansa eh. Abangan!