Advertisers

Advertisers

Pagpupugay ng Senior Citizens Partylist sa 3rd Gawad Parangal sa lolo’t lola at 1st Outstanding Apo, matagumpay

0 27

Advertisers

Pinangunahan ni Senior Citizens Partylist Cong. Rodolfo Ompong Ordanes ang pagdiriwang ng Filipino Elderly Month sa pamamagitan ng pagkilala sa mga natatangging nakatatanda kaugnay ng magandang naiambag nila sa lipunan.

Ito ang pagdaraos ng 3rd Gawad Parangal for Exemplary Senior Citizens at ang kauna-unahang Outstanding Apo ni Lolo at Lola.

Ayon kay Cong. Ordanes, ang bawat parangal ay pagkilala sa mga senior citizen na patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa kanilang pamilya, komunidad, at sa buong bayan sa kabila ng kanilang edad, patuloy silang nagsusumikap, may ambag, pangarap, at may kakayahang maging huwaran sa iba.



Kasama rin sa kinilala ng Senior Citizens Partylist ang mga apo na nagbibigay saya, pagmamahal, at pag-aaruga sa kanilang mga Lolo at Lola.

Ani Cong. Ordanes, ang pagiging mabuting apo ay hindi lamang tungkol sa regalo, ito ay tungkol sa oras, respeto, pagmamahal, at presensiya.



Naninindigan ang Senior Citizens Partylist, na ang bawat nakatatanda ay may halaga, karapatan, at boses at patuloy na isusulong ang mga programa at batas na nagbibigay pagkilala sa dignidad ng mga nakatatanda at patuloy na ambag sa lipunan.