Advertisers

Advertisers

Judy Ann Santos, May Sagot sa Pagpapagupit ni Yohan

0 34

Advertisers

Ni Camille Guarin

Sa isang panayam, napag-usapan ang pagpapagupit ng panganay na anak ni multi-awarded actress Judy Ann Santos na si Yohan, na sinagot naman ng aktres.

“Bakit nagpagupit si Yohan?” tanong kay Juday.



“Trip niya. Kailangan bang i-explain ang trip ng mga bata ngayon? So kung trip niya, huwag nating bigyan ng rason or huwag nating bigyan ng ibang ibig sabihin,” sagot ni Juday.

Dagdag pa niya, “Of course. Buhay niya iyan, opinyon niya iyan, gusto niya iyan. So, let’s not give any deeper meaning to that. It is what it is. Ganun, e. One way or another, she should be able to decide naman more for her life and we just wanted her to feel comfortable with what she wants. So yun lang yun. Bagay sa kanya, di ba?”



Korek ka d’yan, Juday. Bagay na bagay kay Yohan, ’di ba naman, Mommy Carol Santos?

***



JoshLia, Nagpasalamat Matapos Kumita ng P100 Million ang Reunion Movie

Umabot na sa P100 million ang kinita ng pelikulang “Always Yours, Never Mine” ng Star Cinema nitong Linggo (Oktubre 11) habang patuloy itong naghahatid ng kwento ng wagas na pag-ibig sa mga sinehan.

Nagsimulang ipinalabas ang reunion movie nina Joshua Garcia at Julia Barretto na mula sa direksyon ng blockbuster director na si Cathy Garcia-Sampana noong Setyembre 30.

“Doon po sa mga nanood ng ‘Always Yours, Never Mine,’ over a hundred million thanks mula sa puso namin. Maraming, maraming salamat sa inyo,” pagpapasalamat nina Joshua at Julia.

Magkakaroon din ng international screenings ang pelikula sa UAE, Qatar, Bahrain, Australia at New Zealand sa Oktubre 22; US, Canada, at Guam sa Okt. 23; UK at Austria sa Okt. 31; France, Italy, at Spain sa Nob. 1.

Umiikot ang kwento ng pelikula sa mga espesyal na pagtatagpo at mga desisyong ginawa nina Apollo (Joshua) at Luna (Julia) sa loob ng tatlong dekada. Kasama rin sa pelikula si Bianca Umali, pati na rin sina Chanda Romero, Bob Jbeili, Karen Reyes, Migs Almendras, Paulo Angeles, at Joy Barcoma.