Advertisers

Advertisers

Dennis inamin ang nagawang pagkakamamali noon kay Jen

0 34

Advertisers

Ni Beth Gelena

Hindi kaila kay Dennis Trillo na naging masama siya sa paningin ng mga netizens dahil sa break up nila ni Jennylyn Mercado

Kumalat kasi social media noon na binugbog niya ang aktres kaya ito nakipaghiwalay sa kanya, at ang dahilan umano ni Benjie ay dahil may pinagselosan umano itong babae.



Pero hindi doon nagtapos ang kuwento ng celebrity couple.

Nagbago ang aktor at inamin niya ang pagkakamali kay Jen.



Inamin niya ang ang mga pagkakamaling nagawa noon niya noon kung saan nagpabago sa kanya kung sino siya ngayon.

Dahil sadyang mahal niya ang aktres ay muli niya itong niligawan kahit nagkaanak ang aktres sa boyfriend niya noong si Patrick Garcia.



Si Patrick ang sumunod na naging boyfriend ng aktres after nilang maghiwalay ni Dennis.

Inamin naman ni Dennis na ang mga pagkakamali niya noon ang humubog sa kung sino siya ngayon, bagay na ikinatuwa ng ilang netizens na nakikitang nagbago na nga ang aktor.

Para sa isang commenter, malinaw na halimbawa ng self-awareness at character development ang aktor, kaya mula sa pagiging green bone, este, naging green flag na raw ito sa kanyang paningin, biro niyang sabi.

May netizen namang nagsabing hindi naman nagmalinis si Dennis sa mga pagkukulang niya noon. Aniya, inamin naman daw ng aktor na may mga bagay siyang nagawa na sana ay hindi na naulit, kabilang ang mga pagkakamaling nakaapekto sa relasyon nila ni Jen.

Para sa commenter, nakikita rin umano sa kasalukuyang pakikitungo ni Dennis sa pamilya ang pagbabago nito, lalo na sa pagiging ama at asawa.

Hindi naman lahat ay madaling makalimot sa mga kontrobersiyang kinasangkutan ng aktor noon.

May netizen pa ring nagsabing hindi niya maalis sa isip ang nangyari sa pagitan nina Dennis at Jennylyn.

May mga sumagot na kung napatawad na raw ng aktres ang kanyang partner, sana ay mabigyan din ito ng pagkakataong patunayan ang sarili.

May ilan ding ipinagtanggol si Dennis sa paghahambing sa ibang personalidad, partikular sa usapin ng pagiging ama.

Pinuri pa nga ng isang netizen ang aktor sa pakikitungo nito kay Jazz, anak ni Jennylyn kay Patrick.

Sa kabila nito, may mga nananatiling kritikal sa mga pahayag ni Dennis sa social media. Para sa kanila, hindi raw basta nabubura ng pagbabago sa kasalukuyang hindi magandang pangyayaring naganap noon.

pinakikita raw ng mga komento na para sa ilan, mahalagang kilalanin ang pag-amin sa pagkakamali at ang pagsisikap na magbago.

Heto ang komento ng isang netizen, “Never naman kasi sya nagmalinis, kahit nung na preggy si Jen admitted sya na may mga pagkukulang sya nung pinagbubuntis ng mom si Calix.

Adnitted din sya na may mga bagay sya na sana di na nya nagawa at di na nangyari.

“I guess kaya din naman malakas ang loob nya na magkuda ngayon kasi bukod sa sarili nya eh his family can attest naman that he is indeed a good father”

“Sorry ha, di maalis sa isip ko ung nagkasakitan sila ni jen before. Nakaka turn off si Dennis. Pareho lng sila ni Patrick”

“Napatawad na sya ni jen, sana ikaw din mapatawad mo na si dennis. Kita mo naman gngawa ni dennis sa pamilya ni jen ngayon”

‘Dennis is way much more of a man, kasi tinuring niya si jazz na parang anak, at walang narinig na negative sa kanya of whatsoever about jazz, kaya hands up talaga ako sa kanya as husband & father”

“Bakit kaya si PG never nag admit na may mga mali sya at never din humingi ng tawad. Dyeskelerd”

“Ang ganda ng pagiging stepdad at ang pagpondo sa anak ng iba nang walang awtoridad sa batang iyon”