Advertisers
Ni Anne Venancio
Kinumpirma ni Joshua Garcia na may non-showbiz girlfriend siya at nananatiling mahalaga sa kanyang puso ang dating ka-love team na si Julia Barretto.
Sa guest appearance niya sa vlog ni Benedict Cua, sinabi ni Joshua na hindi hadlang ang pagkakaroon ng relasyon sa showbiz career basta nananatiling propesyonal at focus sa trabaho.
Ayon sa aktor, hindi rin nagiging dahilan ng pagtatalo nila ng kanyang karelasyon ang mga leading-lady niya sa mga proyekto.
Samantala, nagpapasalamat si Joshua kay Julia sa pinagsamahan nilang pelikulang Always Yours, Never Mine.
“I love Julia, may special place siya sa aking puso,” aniya pa ng magaling na aktor.