Advertisers
TAYTAY, RIZAL — Isang 65-taong-gulang na lola ang pumanaw habang apat pang indibidwal ang nasugatan matapos mawalan-preno ang isang SUV at bumulusok sa mga residente sa Barangay Dolores noong Oktubre 17 ng umaga.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nawalan umano ng preno ang sasakyan na minamaneho ng isang 71-taong-gulang na lalaki habang pauwi sila patungong Antipolo mula sa Tikling.
Nakuha sa CCTV ang insidente bandang ika-8:37 ng umaga, kung saan makikitang tumakbuhan ang mga tao habang pabalik-balik ang sasakyan matapos ang unang bangga.
Dinala ang biktima sa Rizal Provincial Hospital bago ilipat sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa Marikina, ngunit idineklara itong patay pagdating dahil sa malubhang pinsala sa ulo.
Ang iba pang nasugatan ay nakaranas lamang ng maliliit na gasgas at pasa. Sa kasalukuyan, naayos na ng mga pamilya ng biktima ang usap-usap sa drayber kaya hindi na maghahain ng kaso ng walang ingat na pagmamaneho na nagdulot ng kamatayan at pinsala sa katawan. (Edwin Moreno)