Advertisers

Advertisers

SINO PAPALIT KAY MISFIT SARA BILANG BISE PRESIDENTE?

0 52

Advertisers

HINDI tinatalikuran ang santambak na ebidensya na iniharap sa Senate Impeachment Court (SIC). Hindi namin nakikita na lulusot si Misfit Sara sa SIC. Pipilitin na lampas 16 ang senador na boboto na sipain si Misfit Sara sa poder upang hindi na magkaroon ng anumang tanong na maaaring isampa sa Korte Suprema.

Sa ngayon, mayroon ng 14 na senador sa mayorya. Nakikita namin ang paglipat ng dalawa o tatlo para tuluyang mabuo ang target na 16 o 17. Naghihingalo ang political career ni Alan Cawatano. Naghihingalo ang negosyo ng mga Villar. Sa isang kumpas, malaglag si Cawatano at ang imperyo ng mga Villar. Pareho silang gagapang na parang bulate.

Ang tanong: kapag sinipa si Misfit, sino ang papalit sa kanya bilang bise presidente ni BBM. Malinaw ang Saligang Batas, kailangan may pangalawang pangulo upang may pagpapatuloy sa pamamahala ng gobyerno kung may mangyari sa pangulo. Manggagaling alinman sa dalawang kapulungan ng Kongreso ang hahalili kay Misfit. Maaaring mula sa Senado o Camara de Representantes ang kapalit ni Misfit.



Sa ganang amin, llamado si Ispiker Bojie Dy at dehado si Senador Tito Sotto. Parehong walang ambisyong pulitikal ang alinman sa kanila at papayag na humalili kay Misfit Sara sa huling isa at kalahating taon ng kanyang termino. Hindi sila mapangahas at hindi mangmang na kaparis ni Misfit Sara. Sakaling isa sa kanila ang humalili. Mahimhimbing sa gabi si BBM.

Sakaling si Bojie Dy ang napili ni BBM, hindi namin nakikita na magiging mahirap para kay Majority Leader Sandro Marcos ang humalili kay Bojie Dy bilang ispiker. Batang bata at agresibo si Sandro. Maraming batas ang naipasa dahil sa pagsusumikap ni Sandro na isalang ang mga ito at aksiyunan ng Kongreso. May itinatagong galing si Sandro.



***

HINDI pa tapos ang usapin ng confidential fund pagkatapos iurong ito ng prosekusyon noong nakaraang linggo sa pagtatapos ng pagdinig ng SIC kaugnay sa impeachment trial ni Misfit Sara. Inaasahan ng Prosecution Panel mula sa Camara na ihahabla ng Office of the Ombudsman si Misfit dahil sa salang kriminal sa husgado, ayon kay Kin. Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur sa isang panayam sa radyo kahapon.



Sagot ito ni Alonto, tagapagsalita ng prosekusyon, sa ulat na nagsimula umano ang Ombudsman na kalapin ang mga ebidensya tungkol sa pandarambong umano ni Misfit Sara sa P612 milyon confidential fund na tinanggap niya noong 2023.

“I anticipate that there will be a case that will be filed by the Ombudsman in relation to the confidential funds misuse of the VP, and as well as when she was still serving as the DepEd Secretary,” Alonto Adiong said in an interview over dzBB’s “Bantay Balita sa Kongreso” with Nimfa Ravelo and Isa Avendaño-Umali.

Ipinaliwanag ni Adiong na ang maling paggamit ng confidential funds ay hindi isyu ng maling paglalaan ng pera ng bayan para sa OVP at Deped na kinakatawan ni Misfit Sara kundi usapin ng pagwawaldas na humihingi ng siyasat na hiwalay sa paglilitis ng SIC.

Binanggit ni Adiong ang huling pasya ng Commission on Audit (COA) na humihingi kay Misfit Sara na ibalik ang P73 milyon na confidential fund dahil may matwid at Batayan ang Notice of Disallowance (ND) na naunang inilabas.

“Hindi gagawin ng Ombudsman ‘yan without realizing na talagang the quantum of evidence when you file a criminal charge is beyond reasonable doubt,” aniya. “I think it’s the opposite kasi hindi naman nagfa-file ang Ombudsman, or any other investigative agencies for that matter, like the DOJ, na alam naman nilang mataas ‘yung requirement for beyond reasonable doubt, yung quantum of evidence na sinasabi ay hindi nila gagawin basta-basta,” aniya.

Sa maikli, nakikita ni Adiong na sa korte na magpapaliwanag si Misfit pagdating sa isyu ng confidential fund. Tuloy-tuloy na ang kanyang pagkawasak. Hindi na makakabangon muli upang tumakbo sa 2028.

Sa panayam, binigyan ng sisi ni Adiong si Misfit Sara sa gusot na kinakaharap niya. Wala siyang dapat sisihin kundi siya mismo, ani Adiong.

“Siya po ‘yung pinagmulan nitong problema na ito. Dahil siya po ‘yung hindi nag-declare nang tama, siya po ‘yung binigyan ng tiwala ng taong bayan, siya po ‘yung hindi niya iningatan ‘yung tiwala ng taong bayan, ‘yung pera ng taong bayan, hindi niya inalagaan,” aniya.

“So siya po yung puno’t-dulo kung bakit po tayo may trial ngayon na impeachment, kung hindi po niya ginagawa ang lahat na ginawa niya, e, wala ho tayong trial na sinasabi,” dagdag niya. “So anong sinasabi po niyang gantimpala doon? Ito po’y isang constitutional duty na ginaganap ng House at ng Senado. At saka hindi pa po umabot sa Senado yung budget, ha?” aniya.

“Dina-downgrade nila. Tini-trivialize nila itong pinaka importanteng constitutional duty na ginagawa, ‘no, dahil pinapanagot po siya,” aniya “Unang-una, wala naman po tayong pag-uusapang impeachment trial kung hindi po niya minisuse ‘yung confidential funds. Wala ho tayong pag-uusapang trial kung hindi ho siya nagbanta. Wala ho tayong pag-uusapang trial kung talaga pong 100 percent dinisclose niya ang kanyang mga asset at properties sa kanyang SALN. Ito ang naratibo nila matagal na,” ani Adiong.