Advertisers

Advertisers

CHINESE EMBASSY, BUMUWELTA SA MGA KONGRESISTA PATI KAY SEN. RISSA

0 33

Advertisers

Nag-post ang Chinese Embassy sa Manila na “Put on record. You are now on the list” sa social media, matapos manawagan ang ilang Kongresista sa Pangulo na tumayo laban sa agresyon ng Tsina at palayasin si Chinese Ambassador Jing Quan.



Sa social media post nito, inilakip ng Embahada ang isang bukas na liham na mula umano sa siyam na Kongresista at naglalaman ng reaksyon nila sa mga naging pahayag ni Ambassador Jing Quan kelan lamang.

Halos kasabay nito ang pahayag naman na “since you don’t welcome us, we don’t welcome you, either. Fair enough.”

Inilakip naman diyan ang isang resolusyon mula kay Senator Rissa Hontiveros na nagmumungkahing ideklarang persona non grata o hindi kanais-nais na tao si Ambassador Jing.

Matatandaang sinabi ni Jing Quan kamakailan na kung tutuusin ay madaling matatalo ng Tsina ang Pilipinas sakaling humantong sa pwersa ang hidwaan sa West Philippine Sea, ngunit hindi umano nila ito gagawin dahil kapayapaan ang kanilang gusto.

Ikinagalit ng mga opisyal ng Pilipinas ang sinabi ni Jing. Pinabulaanan ni Jing na isa itong banta at aniya ay pilit lamang na iniba ang kahulugan ng kanyang mga sinabi ng mga taong galit sa China.

Bilang tugon ay naglabas ng pahayag ang China Embassy na di rin umano welcome sa China- kabilang na ang HongKong at Macau- ang mga nasabing mambabatas, base sa prinsipyo ng ‘reciprocity.’ (JERRY S. TAN)