Advertisers

Advertisers

DMW: 785 trabaho sa Croatia bukas para sa mga Pinoy

0 33

Advertisers

AABOT sa 785 na oportunidad sa trabaho para sa mga Pilipino ang iniaalok ngayon ng Department of Migrant Workers (DMW) at ng pamahalaan ng Croatia sa ilalim ng kanilang Government-to-Government (G2G) program.

Sinimulan noong Lunes, Oktubre 19, sa Mandaluyong City ang dalawang araw na pagpili at pakikipagpanayam sa humigit-kumulang 943 na shortlisted applicants.

Personal na dumalo ang siyam na hotel employer mula sa Croatia upang direktang makapanayam ang mga aplikante para sa mga posisyong chef, waiter, housekeeping personnel, at iba pang hotel staff.



Ayon sa DMW, layunin ng programa na magbigay ng legal, ligtas, at maayos na oportunidad para sa mga Pilipinong nagnanais magtrabaho sa Europa.

Inaasahang makatutulong ang nasabing recruitment activity upang masiguro ang sapat na proteksyon at magandang kinabukasan ng mga napiling overseas Filipino workers.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">