Advertisers

Advertisers

Palasyo, bukas sa panukalang pag-amyenda sa Treason law

0 30

Advertisers

HINDI kokontra ang Malacañang sa panukalang amyendahan ang batas hinggil sa treason o pagtataksil sa bayan kung mapatutunayang makabubuti ito sa pambansang interes.

Kasunod ito ng pahayag ni Philippine Coast Guard (PCG) Rear Admiral Jay Tarriela na dapat nang repasuhin ang Article 114 ng Revised Penal Code upang matugunan ang mga gawaing maituturing na pagtataksil sa bansa.

Ayon kay Palace Press Officer at PCO Usec. Atty. Claire Castro, nakadepende sa magiging nilalaman at balangkas ng panukala kung maisasakatuparan ang naturang pagbabago sa batas.



Sinabi ni Castro na hindi nila sasalungatin ang panukala kung mapatutunayang kailangan ito upang matugunan ang mga usapin sa pambansang seguridad at maprotektahan ang interes ng bansa.

Gayunman, mahalaga aniyang matiyak na ang anumang amyenda ay naaayon sa batas at may malinaw na batayan.



Iginiit pa ng Palasyo na dapat manaig ang pagkakaisa kung ang layunin ay pangalagaan ang Pilipinas. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">