Advertisers

Advertisers

Sanya nabinyagan na, may dyowa na

0 36

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Sa mga interviews noon, sinabi ni Sanya Lopez na hindi pa siya magkakadyowa.

In other words, NBSB ang dati niyang estado o No Boyfriend Since Birth.



Ngayon, beaming with pride na ibinahagi niya kung bakit inspired siya.

Ang katotohanan kasi ay natagpuan na niya ang kanyang ideal boyfie na isang afam.



Ibinida niya ito nang maging panauhin siya sa isang online chikahan show.

Aniya, na-meet daw niya ang non-showbiz guy noon sa Boracay through a common friend.



“At the time, my back was really hurting because I was having a back problem. We had a mutual friend, which was how we met,” pagbabalik-tanaw niya.

Pagkatapos daw ng unang pagkikita nila ay naging masigasig na raw ang afam sa panliligaw sa kanya.

Katunayan, madalas na dinadalaw daw siya ng dyowa mula Subic o Cavite para lang makita siya.

“After that, he started visiting me at home. He would come from Cavite or Subic to visit me every day whenever he could and when I didn’t have work,”bulalas niya.

Lagi rin daw siyang sinosorpresa nito ng pa-flowers.

“He would always bring flowers, too.” hirit niya.

Aniya, sobrang hanga rin daw siya sa mga katangian ng nasabing dream guy.

“He is very patient and has a lot of love to give,” sey niya.

Bagamat inamin niya na ‘in a relationship’ na siya, hindi naman niya ibinunyag ang identity ng boyfriend para mapangalagaan ang privacy nito.

****

MTRCB, pinamunuan ang compliance seminar para sa Ayala Malls Cinemas

Nagsagawa ng compliance seminar ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para sa staff ng Ayala Malls Cinemas bilang bahagi ng proactive collaboration sa mga owner and operator ng mga sinehan.

Ginanap ang compliance seminar nitong Lunes, 19 Oktubre 2026, sa Ayala Malls Head Office sa Makati City.

Ito ay matapos humiling ang Ayala Malls Cinemas ng refresher orientation para sa kanilang management team and frontline cinema personnel.

“We are thankful for the commitment and this forward-thinking initiative of Ayala Malls Cinemas in having their personnel undergo a reorientation on the Agency’s regulation and classification guidelines, as mandated by Presidential Decree (PD) No. 1986,” sabi ni MTRCB Chair at CEO Lala Sotto.

“We appreciate their desire to strengthen their understanding of the MTRCB’s requirements. We are always happy to hold these compliance seminars for our stakeholders and partners in the film and TV industry as part of our efforts to promote responsible viewing,” dagdag niya.

Pinag-usapan ang mga regulation at policy ng MTRCB tungkol sa age-appropriate classification, pag-verify ng edad ng movie patron, mga permit and display requirement, patakaran sa monitoring at inspection, mga prosesong administratibo, atbp.

Pinamunuan nina MTRCB Board Members Atty. Ricardo “Jojo” Salomon Jr. at Evylene “Bing” Advincula ang diskusyon para sa mga branch manager at frontline cinema staff ng Ayala Malls Cinemas mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Hinikayat nila ang mga movie theater personnel na idownload ang MTRCB App, na magagamit sa pag-scan ng QR code ng Permit to Exhibit (PTE) ng isang pelikula upang matiyak ang authenticity at validity nito.

Tinalakay din ang mga mahalagang probisyon ng MTRCB Memorandum Circular (MC) No. 02-2026 tungkol sa digitized PTE at MC No. 03-2026 tungkol sa appointment, mga tungkulin at responsibilidad ng mga MTRCB deputy.