Advertisers

Advertisers

MILF o MNLF ba ang nagkakanlong kay Bato?

0 96

Advertisers

SABI ni Interior Secrertary Jonvic Remulla, babaha ng dugo kapag inopereyt nila ang wanted na Senador, Ronald “Bato” Dela Rosa, na kinakanlong daw ng makapangyarihang grupo sa Mindanao.

Posible aniyang 10,000 katao ang mamamatay kapag puwersahan nilang inaresto si Bato. Kaya dinadaan daw nila ngayon sa diplomasya ang pagsuko kay Bato. Ayaw aniyang may mamamatay o masaktan sa paghuli nila sa puganteng senador.

Ang tanong: Anong grupo ba sa Mindanao ang may napakalakas na puwersa o may tauhan na abot sa 10,000?



Sa ating pagkakaalam, Moro National Liberation Front (MNLF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) lang ang may malaking armadong grupo sa Mindanao. Sino sa kanila ang kumukupkop kay Bato?

Ang MNLF ba na pinamumunuan ni Nur Misuari?



Si Misuari ay kaibigan ni ex-President Rody Duterte, ang amo ni Bato.

Personal ding magkakilala sina Misuari at Bato. Puede!



Hindi naman ako kumbinsido na MILF ang nagkakanlong kay Bato.

Say n’yo, mga pare’t mare?

***

Napakarami nang press release at press conference na ginawa si Sec. Remulla laban sa mga high profile criminals at wanted tulad nina Sen. Bato, Atong Ang, Gerald Bantag, Zaldy Co at Harry Roque. Tukoy na raw nila ito kung saan nagtatago, pero bakit wala silang nahuhuli?

Drawing lang ito itong si Sec. Jonvic! Ewan!

Ano kaya kung palitan ni First Lady Liza este ni Pangulong “Bongbong” Marcos si Jonvic. Ilagay niya as DILG Chief alin kina ex-PNP Chief Nicolas Torre at ex-Senator Antonio Trillanes.

Tingin ko, alinman kina Torre at Trillanes ang maupong DILG ay matitimbog itong high-profile wanted sa batas. Mismo!

Remember si Torre ang personal na umaresto kay Pastor Apollo Quiboloy mismo sa compound ng sekta (Kingdom of Jesus Christ) ng huli sa Davao City.

Si Torre rin ang dumakip kay ex-President Digong at kaagad ipinadala sa International Police para litisin si Digong sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands sa kasong ‘crime against humanity’.

Si Trillanes naman ang nagkaso at nagpakulong sa dalawang dating presidentem, sina Gloria Macapagal-Arroyo at Digong. Siya rin ang rason ng pagpakamatay ng dating AFP Chief at Cabinet Secretary ni GMA.

Ibig natin sabihin ay kina Torre at Trillanes ang tapang sa pagsugpo sa mga makapangyarihang nilalang sa bansa.

Think it, Mr. President! Now na!!!

***

Mas bilib pa ako kay Ombudsman Boying Remulla, ang kuya ni Sec. Jonvic.

Oo! Ilan na bang malalaking tao ang pinakulong ni Boying? Sina Senador Jinggoy Estrada, Sen. Rodante Marcoleta, ex-Sen. Bong Revilla (nakapag-bail), ex-Congressman Mike Defensor (na untouchable noong time nina GMA at Digong sa Malakanyang), at mga tiwaling engineer sa DPWH.

Binuhay din ni Boying ang kaso ng Pharmally. Sinampahan niya ng P10-billion plunder ang mga sangkot dito na mga dating “bata” ni Digong.

Saludo ako kay Boying.