Advertisers

Advertisers

Estudyante nag-amok sa loob ng iskul

0 27

Advertisers

NAGDULOT ng pangamba sa loob ng isang paaralan sa SIR Phase 1, Davao City ang insidente ng isang elementary student na naiulat na nagwala habang may dalang kutsilyo Miyerkules ng umaga, Oktubre 21, 2026.
Batay sa impormasyong ibinahagi sa social media account na Ako Si Nem, nakarinig ng mga sigaw ng paghingi ng tulong mula sa mga estudyante, dahilan upang agad na rumesponde ang mga kinauukulan.
Sa kumakalat na video, makikita ang mga awtoridad na sinusubukang pakalmahin ang isang lalaking estudyante na may hawak na kutsilyo.
Kalaunan, nakuha rin ng mga awtoridad ang naturang patalim.
Ayon sa nasabing post, magkaiba ang oras ng klase ng dalawang estudyanteng may kaugnayan sa insidente.
Ang isa ay kabilang sa morning session, habang ang estudyanteng may dalang kutsilyo ay kabilang sa afternoon session.
Kasabay nito, nanawagan ang nagbahagi ng impormasyon sa publiko na huwag agad husgahan ang bata at bigyang-pansin ang posibilidad na may mga personal itong pinagdaraanan na nangangai-langan ng pag-unawa at suporta.
Nabanggit din sa post na ang lola ang nag-aalaga sa bata matapos nitong mawalan ng mga magulang.