Advertisers

Advertisers

Camille Prats, mas pinili na ang pagiging praktikal

0 29

Advertisers

Ni Mercy Lejarde

Inamin ng TV host at aktres na si Camille Prats na hindi na niya iniintindi ngayon kung mamahalin ang mga gamit niya o kung mukha ba siyang yayamanin mula ulo hanggang paa.

Napag-usapan ito sa podcast na Kami Ang Inyong Mga… kung saan nakasama niya sina Iya Villania at Suzi Entrata-Abrera sa isang bonggang kuwentuhan.



Sa kanilang kuwentuhan, napag-usapan kung gaano kahalaga kay Camille noon ang pagmumukhang expensive dahil sa kanyang mga suot at gamit.

Ani Camille, “I remember there was this one time na dumating na rin ako sa point na I no longer care whether yung mga gamit ko ay mamahalin.



“Parang I put so much pressure on the things that I own because at some point, pag nandito ka sa industry na ito, and maybe in your workplace too, depende naman yun kasi feel the pressure.

“Feel the pressure kung saan ka man, either it’s playing pickleball or having the newest collection from this bag or this brand, alahas. So depende ‘yan. Sabi nila, status symbol mo ‘to, kotse mo dapat maganda, sapatos mo, relo mo, alahas mo, bag mo.



“Mars, ang hirap. I remember I used to care so much. If I was going to leave the house, suot ko ba ‘yung hikaw ko, ‘yung relo kong mamahalin, ‘yung belt kong mamahalin? Maganda ba ‘tong fit ng pants ko? ‘Yung sapatos ko, kung may sombrero, okay, kung may headband, okay. Lahat na, head to toe, mukha na ba akong yayamanin? I’m going to be very real, ‘yun ‘yung goal. Mukha na ba akong mamahalin? Mukha ba akong yayamanin?”

Ikinuwento rin ni Camille ang isang pagkakataon nang dumalo siya sa isang regional event ng GMA para mag-promote. Isang lokal na bag na natanggap niya ang ginamit niya.

“And ito na ‘yung panahon na parang nakakapagod nang mag-keep up. Tapos parang lahat ng ginastusan ko, kung ano-ano, mapatakan lang ng sauce, parang ayoko nang gamitin ‘yung bag ko.

“Ayoko na. The pressure, bili ka nang bili. ‘Yung pinagtrabahuhan mo, mapupunta lang doon sa luxury mo. Tapos ending noon, natapos ‘yung show nang wala kang ipon, pero meron kang bag, meron kang sapatos, pero wala kang pang ibang bagay.”

Para kay Camille, nakakapagod ang ganitong sitwasyon dahil parang kailangan mong laging isipin kung ano ang magiging tingin sa iyo ng ibang tao.

Naalala rin niya ang isang taong pumuna sa bag na ginamit niya, kahit inakala niyang malapit sila sa isa’t isa.

“May one person who told me na, ‘Ano ba naman ‘yan, legit?’ Thought at some point we were kind of close. We’re like, we’re friends. Pero sobra talaga akong like, ang lakas ng voice niya, ‘Ano ba naman ‘yan? Bakit ‘yan ang gamit mo? Artista ka, di ba? Dapat mukha kang artista. Hindi ka dapat nagsusuot ng mga ganyang gamit.’”

Sagot naman ni Camille, “Bakit? Anong problema sa gamit ko? Hindi naman ito lang ang basehan ng pagiging isang artista.”

Aminado si Camille na hindi niya noon lubos na na-realize na may ganitong expectation ang ibang tao sa mga artista. Pero dumating siya sa puntong hindi na niya ito pinapansin.

“Pero nandun na ako sa point na, you know what? I don’t really care.”

Mas gusto na rin niyang gamitin ang kanyang mga gamit nang hindi nag-aalala kung madudumihan o magasgasan ang mga ito.

“Parang, why am I allowing myself to be a slave of these material things when in reality, mas masarap ‘yung buhay na, yeah, don’t care.”

In fairness, marami ang humanga sa pagiging praktikal ni Camille pagdating sa mga gamit niya.

——-

Panibagong milestone sa music career ng “It’s Showtime” kid na si IMOGEN ang kanyang self-titled debut album, na naglalaman ng 12 awiting mula sa kanyang musical journey sa mga nakalipas na taon.

Tampok sa album ang dalawang bagong kanta na “Mabuhay, Baby!” at “Para Sa Aming Bukas,” na parehong isinulat ni ABS-CBN Music creatives, content, and operations head Jonathan Manalo at prinodyus ni Rey Cantong. Napapanood na rin sa ABS-CBN Star Music YouTube channel ang visualizer para sa “Para Sa Aming Bukas.”

Kasama rin sa album ng siyam na taong gulang na singer ang mga nauna niyang inilabas na kanta, kabilang ang “Mini Ms. U,” “Da Da Da,” “Sana,” “Dalandan Shake,” “Kokobom,” “Ang Init-Init,” “Matamis na Pangarap,” “Merry Christmas 2 U,” “Isang Pamilya Tayo Ngayong Pasko” kasama ang Six Part Invention, at “3 in 1” kasama sina Jamie Rivera at Fabio Santos.

Pinasok ni IMOGEN ang mundo ng recording sa edad na anim na taon noong 2023 sa kanyang debut single na “Da Da Da,” na mayroon nang mahigit 5.8 million all-time streams sa iba’t ibang digital streaming platforms.

Sinundan niya ito ng “Mini Ms. U,” na nag-viral bilang theme song ng segment na may kaparehong pangalan sa “It’s Showtime” at nakapagtala na ng 15.4 million all-time streams.