Taytay Rizal Mayor Allan De Leon no say sa pergalan ni Donya Tessie at PD PCOL Barber tahimik sa pergalan ni Macalindog?
Advertisers
Tulad ng pagiging tahimik nitong si Rizal Police Provincial Office, Provincial Director PCol. Atty. Eleazar Barber Jr ay tila mas tahimik si Taytay Mayor Allan De Leon sa Pergalan ng isang nagngangalang Donya Tessie na sumisira sa pagsasama ng mga pamilya dahil sa pagkalulong sa ilegal na sugalan partikular ang mga Ama ng tahanan at mga Estudyante.
Nais tanungin ng mga Ka Usapang HAUZ itong si Mayor De Leon kung gaano katutuo na super bagyo itong si Donya Tessie sa kanyang administrasyon at kung bakit tuloy tuloy lang ang Pergalan na matatagpuan sa kahabaan ng C-6 boundery ng Taguig City.
Ayon sa nakalap na impormasyon ng Usapang HAUZ halos isang taon nang nakatayo sa nasabing lugar ang pergalan nitong si Donya Tessie at huminto lang sa operasyon nitong kasagsagan ng malalakas na ulan sublit ngayon patuloy ang pamamayagpag.
Gusto rin nating itanong kay Mayor De Leon kung gaano katutuo na kumare niya itong si Donya Tessie kung kaya’t kahit ano ang gawin niyang illegal na pagpapasugal tulad ng color games, roleta, drop ball at iba pa ay hindi kayang tinagin.
Kung hindi aaksiyunan ni Mayor De Leon na maipasara ang Pergalan nitong si Donya Tessie ay nangangahulugan lamang na malaki ang pakinabang ng lokal na Pamahalaan ng Taytay, magkano kaya ang usapan?
Umabot sa limang katao mga Ka Usapang HAUZ ang nasakote ng pulisya sa isinagawang raid sa isang Pergalan na pagaari ng alias Elvie nitong nakalipas na Linggo ang suma total ay nahinto ang kinagigiliwang Color Games, Drop Ball at iba pa na nakapuwesto sa tabi pa mismo ng Simbahan ng Tanay.
Pero sa ngayon PD Barber ayon sa impormasyong nakalap ng Usapang HAUZ ay tuloy na naman ang operasyon ng Pergalan ni alias Elvie kung kaya’t balik na naman sa pagiging talamak sa sugal ang mga residente rito, eh nagkaayusan na raw sir?
Ito ang mas matindi mga Ka Usapang HAUZ, kung bagyo sa lakas na tila signal no.4 itong si Donya Tessie kay Mayor Allan De Leon sa pagpapatakbo ng illegal na Peryahan ay may tatalo kay Donya Tessie ito ay si Alias Macalindog, ewan lang kung gaano katutuo na kaya hindi magalaw ang Pergalan nito ay Signal no.5 ito kay Montalban PNP COP PCol. Arwyn G Derilo, tutuo ba sir?
Merong nais ipagbigay alam ang Usapang HAUZ kay Rizal PNP PD Barber na ang Siyudad ng Antipolo ay may mga nagbabalak ng magtayo ng mga peryahan dahil sasalubungin ng mga peryante ang pagselebra ng kapistahan ng Immaculate conception sa darating na Disyembre 8 kaya’t mas makakabuti siguro Sir na kausapin mo na ang iyong Chief of Police na si PLT. COL. Mark Henry Acompanado
PD PCol. Barber Sir, marami ang naghihintay ng agarang aksiyon sa mga Pergalan partikular ang muling pagbubukas ng naipasara ng puwesto ni Elvie at ang sinasabing Hari at Reyna ng Pergalan na sina Alias Macalindog ng Riverside Montalban at Donya Tessie ng C-6 Taytay mabilis na aksiyon ang hinihintay ng mga residente hindi lang sa bayan ng Montalban, Taytay, Tanay kundi sa buong Lalawigan ng Rizal.
##########
Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag-email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o mag text or tumawag sa 09352916036