Advertisers

Advertisers

DALAWANG ARAW NA PAGDIRIWANG NG ‘MANILA HOPIA DAY’ MATAGUMPAY NA NATAPOS NITONG OKTUBRE 25

0 38

Advertisers

Ipinagdiwang ng lungsod ng Maynila nitong weekend ang ‘Manila Hopia Day,’ na kinatampukan ng ceremonial cutting ng 30-kilogram Giant Hopia na gawa ng sikat na Eng Bee Tin Chinese Deli, ang kompanyang nagpakilala sa industriya ng ngayon ay ‘iconic hopia ube’ na.

Ang nasabing ceremonial cutting activity ay isinagawa sa Plaza San Lorenzo Ruiz sa Binondo, Manila at pinangunahan ni Mayor Isko Moreno kasama sina Eng Bee Tin President Gerik Chua, city officials at third district Councilor Jeff Lau, Maile Atienza, Fa Fugoso, Karen Alibarbar at Tol Zarcal. Dumalo din sina Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) President Victor T. Lim at Chinatown Development Authority Chairman Tony Sy.

Ang nasabing pagdiriwang ay ginanap nitong October 24 at 25, 2026 mula 10 a.m. hanggang 8 p.m. at nagtampok ng iba’t-ibang klase ng hopia.



“What made the moment even sweeter was when Mayor Isko and his wife, Dynee, shared a little kilig moment by feeding each other a piece of our hopia! For us at Eng Bee Tin, hopia has always been more than just a pastry. It’s about bringing people together, sharing happiness, and keeping traditions alive,” ani Chua.

“A big thank you to the Manila City Government for organizing Manila Hopia Day and bringing together so many companies to celebrate one of Manila’s most beloved delicacies!,” dagdag pa niya.



Ang Manila Hopia Day ay isang taunang pagdiriwang ng ‘hopia’ na itinuturing bilang ‘ iconic Filipino-Chinese pastry.’

Bukod sa Eng Bee Tin Chinese Deli, ang iba pang lumahok sa event ay ang Ho-Land Hopia, Bakers’ Fair, Polland Hopia, Liberty Food Mart, Kim Chong Tin Hopia Factory at Liberty Food Mart.



Ang nasabing event ay itinaguyod sa pamamagitan ng Manila City Ordinance No. 9141, na pormal na nagtatatag sa October 24 ng bawat taon bilang Manila Hopia Day.

Ang naturang ordinansa ay ipinasa umano sa layong maitaguyod ang lokal na industriya ng hopia at iba pang pagkaing masustansiya sa kalusugan at bilang paalala sa mga Manilenyo na panatilihing magsilbi itong ilaw ng pagkakaisa at kultura sa Lungsod ng Maynila.

Ang Binondo ay siyang kinikilala bilang ‘historical birthplace’ ng hopia sa bansa, mula pa noong 1912. Ang nasabing festival ay nagtatampok sa local heritage, treats at komunidad ng Filipino-Chinese bakers. (JERRY S. TAN)