Advertisers

Advertisers

POLICE, LOCAL AT BARANGAY OFFICIAL, SANGKOT SA SUGALAN/SHABUHAN!

0 39

Advertisers

PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., Tanauan City Police Chief Lt. Col. Caesar Ian Binucal at Nasugbu Police Chief Lt. Col. Angelito Guardian

MAY ilang police official at tauhan ng mga ito, bukod pa sa mga lokal na opisyales at mga barangay leader ang sumasabit sa operasyon ng illegal vices sa CALABARZON.



Ito ang isa sa pinaka mabigat na problemang kailangang pagtuunan ng pansin ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., Department of Interior and Local Government (DILG) at National Police Commission (NAPOLCOM) kung nais na masugpo ang operasyon ng illegal vices sa buong bansa.

Unang dapat sawatain ng kapulisan, DILG at NAPOLCOM ay ang kinahuhumalingan ng mga kabataan na kunwari ay mga karnabal o peryahan ngunit may shabuhan. Tampok sa mga karnabal at peryahan na ito ay mga pasugal na color games, drop balls, beto-beto at mga ipinagbabawal na card at table games.



Ang mga siyudad at munisipalidad sa Cavite, Batangas, Laguna, Rizal at Quezon ang may pinaka malalang problema sa pergalan na sentro din ng bentahan ng shabu.

Ang Tanauan City at bayan ng Nasugbu ang may pinaka talamak na pergalan/shabuhan operation sa lalawigan ni Batangas. Gov. Vilma Santos-Recto. Hindi na dapat magpatumpik-tumpik sa pagkilos sina PNP Region 4A Acting Dir. BGen. Dominic Baccay at Batangas PNP Acting Provincial Dir. Col. Oliver Ebora.



Kaugnay nito ay dapat ipasiyasat nina PDGen. Nartatez Jr., BGen. Baccay at Col. Ebora sina Tanauan City Police Chief Lt. Col. Caesar Ian Binucal at Nasugbu Police Chief Lt. Col. Angelito Guardian kung “namamantikaan kaya ang mga nguso nila” mula sa pergalan/shabuhan sa kanilang hurisdiksyon?

Reklamo ng mga residente ng Tanauan City ay may mga sugalan sina alyas Baby Tomboy at ang mga alipores nitong drug pusher na sina alyas Onad, alyas Rommel at alyas Pajon sa Brgy. 2, ang commercial district at pinaka abalang lansangan sa siyudad ni Tanauan City Mayor Sonny Collantes.

Pagkagat ng dilim ay ratsada na ang mga sugal sa naturang lugar, paglalim ng gabi ay lantaran namang ibinebenta doon na parang candy ang shabu. Walang aksyon laban sa mga pasugalan at shabuhan dito sina LtCol. Binucal at maging ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). May mga saklaan din sa naturang siyudad ang isang alyas Lucido.

May mga pasugalan din si alyas Baby Tomboy sa Brgy. 3 sa bayan ni Nasugbu Mayor Antonio Jose Barcelon ngunit nakapagtatakang mistulang inutil laban dito si Lt Col. Guardian. “Namamantikaan din kaya ang mga nguso nila”?

Talamak din sa Nasugbu ang sakla na pinatatakbo ng dalawang pulis sa mga barangay ng Reparo, Lumbangan, Brgy. 4, Manggahan, Bucana at Tumalim.

Dapat ding kwestiyunin nina PDGen. Nartatez Jr., BGen. Baccay at Col. Ebora ang iba pa nilang police chief kaugnay sa garapalang operasyon ng mga pasugalan na may shabuhan tulad ng pinatatakbong sakla nina alyas Tisoy, alyas Nonit at alyas Jeff sa bayan ng Padre Garcia; sakla nina alyas Magsino at alyas Adie sa Sto. Tomas City at bayan ng Mataas na Kahoy; sakla nina alyas Danny at alyas Mayor sa Lemery; sakla ni alyas Morpe sa bayan ng Rosario; sakla ni Ronnel ng bayan ng San Juan; sakla ni alyas Kap Mike sa mga bayan ng San Luis at Alitagtag; sakla ni alyas Digo sa Poblacion at Lumbangan sa bayan ng Tuy at sakla ni alyas Arnaiz sa bayan ng Taysan.

May mga nag-ooperate pang pergalan/shabuhan sina alyas Glenda sa Brgy. Alupay, Rosario; alyas Edith sa bayan ng Mabini; alyas Mundo sa Poblacion Calaca; alyas Larry Liit sa Poblacion Cuenca at Poblacion Ibaan.

Kailangang ipabuwag na ang mga kailegalang ito bago pa man pumutok ang malalaking anomalya sa Batangas na kinasasangkutan mismo ng ilang mga “man in uniform”, local at barangay official? May karugtong…

***

Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144