Advertisers

Advertisers

Piso, sumadsad sa panibagong record low na P64 kontra dolyar

0 28

Advertisers

BUMULUSOK sa panibagong record low na P64 kontra dolyar ang piso sa intraday trading nitong Martes, Oktubre 27.

Base sa datos mula sa website ng Bankers Association of the Philippines, nagbukas ang lokal na salapi sa 63.95 bago tuluyang pumalo sa antas na 64 laban sa US dollar bandang 11:05 ng umaga.

Matatandaang nagsara rin sa record low na P63.95 ang piso noong Lunes matapos ang patuloy na paghina nito sa pamilihan.



Ayon kay Will Cabangon, pangulo ng isang stock brokerage firm, ang paghina ng piso ay magdudulot ng pakinabang sa mga kumpanyang may malaking kita sa dolyar.

“When you convert those dollars into pesos, the weaker the peso gets, the more earnings that they have,” pahayag ni Cabangon ukol sa positibong epekto nito sa mga dollar earner.



Pinayuhan din niya ang mga mamumuhunan sa stock market na mag-abang ng mga bargain sapagkat “some of these really high quality companies are basically being given away for free right now.”

Sinabi pa ni Cabangon na paborito pa rin niya ang mga utility company at naniniwalang magbabalik ang lakas ng mga ito kapag huminto na ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa pagtataas ng interest rate: “I think we’re getting to the pain points now, where the BSP will consider slowing down interest rate hikes. So once that stops, I expect the utilities to bounce back with a vengeance.”



Samantala, binigyang-diin naman ng financial analyst na si Rogel Morales na bagamat may potensyal na makabawi ang lokal na salapi, ang kasalukuyang galaw nito ay lubos na nakadepende sa mga pandaigdigang trend sa merkado.

Partikular na tinukoy ni Morales ang agresibong paglakas ng US dollar bilang pangunahing dahilan ng pagpalo ng piso sa mababang antas.