Advertisers

Advertisers

Usec. Castro, itinangging magiging mahistrado ng Supreme Court

0 20

Advertisers

MARIING itinanggi nitong Martes ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro ang mga haka-hakang naghahangad siya ng posisyon bilang Associate Justice ng Korte Suprema (Supreme Court o SC).

Sa isang press briefing sa Cagayan de Oro City, tila nagulat si Castro nang hingan ng komento tungkol sa isang ulat na maaaring italaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Associate Justice Rodil Zalameda bilang susunod na Chief Justice—isang hakbang na maaaring magbukas ng bakanteng posisyon na maaari niyang aplayan. “Supreme Court Justice, ako? Associate Justice ng Supreme Court, ako?” ani Castro.

“Hindi ako nag-apply, kaya walang katotohanan ang mga balitang iyan,” pahayag niya.



Sinabi rin ni Castro na hindi niya pangungunahan ang magiging desisyon ni Pangulong Marcos kung sino ang itatalaga bilang susunod na Chief Justice.

Idinagdag niya na mahuhusay ang lahat ng mga nominado, ngunit nagpahayag ng tiwala na pipili ang Pangulo ng isang taong talagang namumukod-tangi.



Muli niyang iginiit na walang basehan ang mga ulat na naghahangad siya ng posisyon bilang Associate Justice.

Natapos na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang mga panayam para sa susunod na Chief Justice at nakatakda na nitong isumite sa Pangulo ang listahan ng mga nominado.



Magkakaroon ng bakanteng posisyon dahil sa sapilitang pagreretiro ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa ika-6 ng Nobyembre, sa kanyang pag-abot sa edad na 70. (Vanz Fernandez)