Advertisers

Advertisers

Depensa ni Digong tumutol sa pagtanggap ng ICC sa testimonya ng 2 saksi

0 22

Advertisers

MARIING tinutulan ng defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kahilingan ng prosekusyon ng International Criminal Court (ICC) na tanggapin bilang ebidensiya ang mga naunang naitalang testimonya ng dalawang saksi sa kasong crimes against humanity na kinakaharap niya.

Iginiit ng depensa na dapat sumailalim sa cross-examination o pagtatanong ng kabilang panig sa korte ang mga nasabing saksi.

Sa isang pampublikong dokumentong may mga bahaging hindi inilantad, na may petsang Oktubre 26, hiniling ng depensa sa ICC Trial Chamber III na tanggihan ang kahilingan ng prosekusyon na tanggapin ang mga naunang naitalang testimonya ng mga saksi na sina P-1393 at P-1416.



Gayunman, wala namang pagtutol ang depensa sa pagtanggap bilang ebidensiya sa testimonya ng ikatlong saksi na si P-1370.

Ayon sa depensa, tumatalakay ang mga testimonya nina P-1393 at P-1416 sa mga pinagtatalunang usapin na mahalaga sa kaso. Dahil dito, iginiit nilang kinakailangan pang masusing suriin at tanungin ang mga saksi upang mataya ang kredibilidad ng kanilang mga salaysay.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">