Advertisers

Advertisers

Bonggang Duet ng Big Bosses, Anne at Vice May Pasabog na Eksena

0 39

Advertisers

Ni Camille Guarin

Bongga ang duet ng dalawang big boss sa showbiz industry na sina Ma’am Charo Santos-Concio at Atty. Annette Gozon-Valdes bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-17 anibersaryo ng It’s Showtime.

In fairness, alam naman ng lahat na mahusay na artista si Ma’am Charo, pero nagulat din ang Madlang People sa galing kumanta ni Atty. Annette. Bukod sa magandang boses, kapansin-pansin din ang blooming nitong aura.



Sey ni Ma’am Charo habang nakangiti, “Oh, ‘di ba hindi ninyo ine-expect ang duet namin? Kasama talaga kami dapat sa Kapuso at Kapamilya showdown kahapon.”

Sey naman ni Atty. Annette, “At dito sa Showtime, always fun, pero minsan may serious side din naman. Lalo na ‘yung mga kuwentuhang kapupulutan ng aral at inspirasyon.”



Samantala, wagi naman sa Words of Wisdom Award sina Unkabogable Star Vice Ganda at Jhong Hilario.

Sa kanilang kuwentuhan, pabirong tinanong ni Vice si Ma’am Charo tungkol sa madalas na pag-absent ni Anne Curtis.



Ani Vice, “Ma’am Charo, dalawang beses lang po ‘to pumasok sa loob ng isang taon! Dito sa 17th year, I think this is due time that you address this issue in front of this girl. (Anne Curtis)”

Seryosong tanong naman ni Ma’am Charo kay Anne, “Ano ba talaga, Anne? What are your priorities after your family?”

Sagot ni Anne na parang eksena sa pelikula, habang may luha sa mga mata, “Actually, meron akong gustong sabihin sa inyo, Madlang People!

“I just have so much in my heart, so much stress, pain. But Showtime will always have a very special place in my heart.”

Tinanong naman ni Ma’am Charo si Vice kung naramdaman nito ang sinseridad ni Anne sa kanyang emosyonal na pahayag.

Sey ni Vice, “Hindi lahat ng bagay nadadaan sa luha, hindi lahat ng bagay nadadaan sa salita. Hindi mo pwedeng sabihin sa isang taong mahal mo siya pero hindi naman ito nararamdaman. Hindi mo naman pwedeng sabihin sa mga tao na andito ka pero hindi ka naman nakikita.”

Samantala, si Vice naman ang nagtanong kay Ma’am Charo tungkol sa reaksiyon nito sa eksena nila ni Anne.

Sey ni Ma’am Charo habang nakangiti, “Napakagaling, dapat na tayong gumawa ng pelikula.”

Yun naman pala, Madlang People, ipinakita lang nina Anne at Vice ang kanilang husay sa pag-arte, na talaga namang nagustuhan ni Ma’am Charo.