Advertisers

Advertisers

Success ng Pinoy sa Hungary chessfest… SEN. BONG GO, TODO SUPORTADO SI GM JOEY ANTONIO

0 32

Advertisers

SI Senador Christopher “Bong” Go, Tagapangulo ng Komite sa Palakasan ng Senado, ay nagpahayag ng buong suporta sa Pilipinong Grandmaster na si Rogelio “Joey” Antonio Jr. habang patuloy siyang nagdadala ng karangalan at dangal sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga internasyonal na paligsa-han sa ahedres.

Kamakailan ay tinanghal kampeon si Antonio sa 34th Erkel Ferenc Memorial Blitz nitong nakaraang Martes Oktubre 27, 2026 sa Gyula, Hungary, na nagdagdag pa ng isa pang prestihiyosong internasyonal na titulo sa kanyang kahanga hangang karera sa ahedres.

Kilala bilang ang “Iron?Man ng Philippine Chess,” ang 64 taong gulang na Grandmaster ay patuloy na nagpapatunay na ang edad ay hindi hadlang sa kahusayan, determinasyon, at pagiging makabayan.



Ang todo suporta ni Senador Bong?Go ay nagbibigay?diin sa kahalagahan ng pagkilala at paghikayat sa mga atletang Pilipino na walang pagod na nagtatrabaho upang magdala ng internasyonal na karangalan sa bansa.

Si Antonio ang kasalukuyang 2025 FIDE World Senior Blitz Champion at nagkamit ng maraming medalya sa malalaking internasyonal na paligsahan. Kabilang sa kanyang mga tanyag na nakamit ang gintong medalya sa 2003 Southeast Asian Games, pilak na medalya sa 2010 Asian Games, at maraming titulo sa kampeonato sa loob ng ilang dekada ng kanyang karera.



Ang kanyang pinakabagong panalo sa Hungary ay lalong nagpapatibay sa kanyang pamana bilang isa sa mga pinakamatagumpay na Grandmaster ng Pilipinas at isang proud na kinatawan ng palakasan ng Pilipinas.

Sa patuloy na suporta ng mga pinuno at tagapagtaguyod ng palakasan, nananatiling determinado si GM Antonio na itaas ang bandila ng Pilipinas sa mga internasyonal na paligsahan, at maging inspirasyon sa kapwa atleta at sa susunod na henerasyon ng mga manlalaro ng ahedres sa Pilipinas. (Danny Simon)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">