Advertisers

Advertisers

AJ Manas swak sa World Cup 10-ball final vs Joshua Filler

0 26

Advertisers

Ang sumisikat na Filipino billiards na si AJ Manas ay nagwagi mula sa likod, 11-10 laban kay Daniel Maciol ng Poland para ayusin ang final duel kay Joshua Filler sa Qatar World Cup 10-ball sa Ezdan Palace Hotel sa Doha nitong Huwebes, Oktubre 29.

Ang 18-anyos na Filipino ay nag-recover mula sa 1-6 na kalamangan ng kalaban at napilitang maglaro ng hill-hill bago makuha ang pagkakataon sa huling rack matapos mag-scratch si Maciol sa break para maging huling Pilipino na natira sa torneo na may pangunahing premyo na $100,000 o higit P6.3 milyon.

Si Manas, na kinaila-ngan ding mag-recover mula sa mabagal na si-mula bago manalo ng 11-8 laban sa Taiwanese Hsieh Chia Chen sa quarterfinals, biglang gumising simula sa ikawalong rack at nanalo ng tatlong sunod na tira para mabawasan ang kalamangan sa 4-6.



Ngunit mahusay na nakaresponde si Maciol at nadoble ang puntos laban kay Manas, 8-4, pero hindi sumuko ang Filipino at pinanatili ang sarili sa layo na puwedeng hampasin, 6-8. Naibalik ng kanyang karibal na Polish ang 9-6 na kalamangan bago gumawa si Manas ng malaking rally at inalagaan ang susunod na tatlong racks para itabla ang laban sa 9-9.

Nagkaroon ng break si Maciol at tumakbo para muling makabalik sa laro pero pinilit ni Manas ang labanan sa hill-hill gamit ang sariling run out. Nagkaroon ng pagkaka-taon ang 27-anyos na Polish na manalo pero diretso sa side pocket ang cue ball matapos ang break.



Bumalik si Manas sa mesa at kalma niyang nilinis ito para ihanda ang laban kontra sa beteranong si Filler.

Sa totoo lang, isang uri ng paghihiganti ito para kay Manas, na tinalo ni Maciol, 4-9 sa winner’s classification, na nagdala sa kanya sa lower bracket. Mula doon, natalo ni Manas sina Bashar Hussain ng Bah-rain, Mustafa Alnar ng Cyprus, at kababayan na si Jundel Mazon para mara-ting ang Magic 8.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">