Advertisers

Advertisers

DA: Sapat ang suplay ng pagkain sa kabila ng paghina ng piso

0 52

Advertisers

KAMPANTE ang Department of Agriculture (DA) sa kasapatan ng supply ng pagkain sa buong bansa, sa kabila pa ng patuloy na paghina ng piso kontra dolyar atbpang foreign currencies.

Matatandaang ngayong linggo ay tuluyang pumalo sa mahigit P64 ang isang dolyar ngunit bahagya namang nakabawi sa pagtatapos ng trading nitong Biyernes, Oktubre 30.

Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa, sapat ang imbak ng bansa sa mga pangunahing bilihin hanggang sa pagtatapos ng taong 2026.



Ito ay parehong mula sa suporta ng mga lokal na magsasaka at mula sa mga imported o inangkat na produkto mula sa iba’t-ibang bansa.

Sinabi pa ni De Mesa, tama lamang ang naunang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi kailangang mag-panic dahil sapat ang suplay ng pagkain para sa lahat.



Kaisa ng kasalukuyang administrasyon aniya, ginagawa rin ng DA ang lahat ng pamamaraan upang salagin ang epekto ng paghina ng piso kontra dolyar.

Sa ngayon, naghahanda rin ang DA ng mga maitutulong sa mga lokal na magsasaka na labis na maaapektuhan sa impact nito, at ng iba pang mga kasalukuyang problema tulad ng tumitinding El Nino phenomenon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">