Advertisers

Advertisers

PNP, bumuo narin ng task group sa lahat ng rehiyon para sa paghuli kay Sen. Bato

0 52

Advertisers

BUMUO na rin ang Philippine National Police (PNP) ng task group sa lahat ng rehiyon sa bansa para mahuli si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, bukod pa ito sa naunang tracker team na binuo ng PNP.

Sinabi ni Deputy Chief PNP for Administration PLTGen. Wilson Joseph Lopez, nireorganisa nila ang kanilang mga tracker team kung saan bumuo sila sa kanilang mga regional unit ng kaparehong grupo na tutugis sa nasabing senador.

Kaugnay nito, inihayag naman ng PNP na handa sila sa anumang posibilidad sa pag-aresto sa senador at ipatutupad ang “maximum tolerance” sa pagsisilbi ng warrant sa mambabatas.



Samantala, ibinahagi naman ni Lopez na wala silang natatanggap na impormasyon tungkol sa partikular na grupong nagkakanlong kay Dela Rosa.

Ayon pa kay Lopez, mas paiigtingin pa ng PNP ang operasyon nito sa paghahanap kay Dela Rosa.



Naniniwala rin ito na mananaig pa rin sa puso ni Sen. Bato ang pagiging pulis at ang pagiging tatay nito sa mga kapulisan, at gagawa ito ng paraan para walang mapahamak sa hanay ng mga ito.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">