Advertisers

Advertisers

Jonathan, bilib sa tatag ni Celeste sa panganganak!

0 30

Advertisers

Ni Beth Gelena

Bumilib si Jonathan Sterling sa tibay ng loob nang dati niyang partner na si Celeste Cortesi nang maglabor ito ng halos 24 oras sa delivery room.

Nasaksihan ng British entrepreneur ang paghihirap ng former beauty queen mailabas lamang si Sergio sa outer world, ang bundle of joy nila ni Celesti.



Hindi raw basta-basta ang pinagdaanan ni Celeste bago maisilang ang kanilang panganay na si Sergio, dahilan para personal na ipahayag ni Jonathan ang paghanga sa dating Miss Universe Philippines 2022 titleholder.

Sa Instagram Stories, ibinahagi ng British entrepreneur ang kaniyang saloobin matapos samahan si Celeste sa mahabang proseso ng panganganak.



“So proud of @celeste_cortesi and how far she’s come on her journey. Staying with her through more than 20 hours of labor showed me just how strong of a woman she is,” pahayag ni Jonathan.

Kasunod nito, ibinahagi rin niya ang kagalakan sa pagdating ng kanilang baby boy.



“So so happy to welcome baby S into the world. #dynasty,” dagdag niya.

Noong Oktubre 27 naman inanunsyo ni Celeste sa social media ang pagsilang sa kaniyang anak, kalakip ang isang sulyap sa bagong miyembro ng kanilang pamilya.

Si Celeste ay isang Filipino-Italian model-aktres nang sumali sa beauty pageant.