Advertisers

Advertisers

Donny nagreak sa intimate dream fantasy ni Juby sa kanya

0 39

Advertisers

Ni Beth Gelena

Viral ang pasabog ng Baby Dolls member na si Juby Sabino hinggil sa panaginip niya kay Donny Pangilinan.

Nag-umpisa ang isyu nang maging guest ang grupo sa programa ni Vice Ganda at kung kanino raw ba nila inaalay ang kanta nilang Oohh Lala Baby?



Si Donny ang binanggit ni Juby.

Napanaginipan umano niya ang aktor sa isang sekswal na may tema.



Tinanong pa ni Meme Vice si Juby kung natapos niya ang kanyang panaginip.

Sagot ng miyembro, “Opo.”



Trending sa social media ang intimate dream ni Juby.

Agad namang nakuhanan ng pahayag si Donny hinggil sa isyu.

He shared his thoughts after being asked about Baby Doll’s member Juby.

Aniya, “I personally don’t think naman that she meant anything bad with it to hurt someone. Baka masyadong naging komportable siya. But I know this is just one of their first interviews. It’s a learning experience for everyone. But ako, I wish them the best.”

Kung na-offend daw ba siya sa kinuwento ni Juby?

“Di naman offended siguro, mas awkward kasi makikita ko sila, alam mo ’yun? We are from the same network. Mas ’yun siguro,” esplika ng aktor

Nag-react naman ang mga tagahanga ni Donny at ilang netizen. Para sa kanila, hindi dapat gawing katatawanan ang seksuwalisasyon ng isang tao, lalaki man o babae. Naglabas din ng pahayag ang official fan group ni Donny na Donators Philippines Official tungkol sa kahalagahan ng paggalang sa dignidad ng aktor.

Ito ang ilan sa mahahalagang linya sa kanilang pahayag:

“We firmly condemn the sexualization of any individual.”

“We stand by Donny Pangilinan and remain committed to supporting him while promoting a culture of respect, sensitivity, and responsible public discourse.”

Nanawagan ang fans ng respeto, pero hindi rin nila hinihikayat ang pangha-harass.

Nilinaw ng fan group na ang kanilang pahayag ay hindi para mag-udyok ng personal attacks laban kay Juby o sa iba pang sangkot.