Advertisers

Advertisers

Ang mapagpakumbabang pasasalamat ng QCPD sa mapayapang QC Undas 2026

0 37

Advertisers

Kadalasan ang bawat tagumpay ay madaling angkinin ng namumuno ang papuri at karangalan pero ang matagumpay at mapayapang pagtatapos ng paggunita ng Undas 2026 sa Quezon City, kakaiba ang naging pahiwatig ni Quezon City Police District (QCPD) Acting District Director PBrig. Gen. Christopher Olazo.

Nakakabilib ang ipinamalas ni Gen. Olazo, sa halip kasi na ipagmayabang ang kawalan ng anumang malaking insidente sa lungsod sa nagdaang okasyon, mapagpakumbabang inialay niya ang tagumpay na ito sa lahat ng taong/grupong nagsumikap at nagtulungan sa likod ng matagumpay na trabaho.

Sabi nga ni Gen. Olazo, hindi sa gawa ng iisang tao o iisang tanggapan lamang ang mapayapa, ligtas, at maayos na Undas kung hindi ito ay bunga ng sama-samang malasakit, sakripisyo, at dedikasyon ng buong komunidad.



Sa mapayapang Undas, una niyang pinasasalamatan ng taos-pusong ay ang kanyang mga tauhan sa QCPD. Sila iyong mga pulis na nagbigay seguridad sa ilalim ng init at puyat sa mga sementeryo, kolumbaryo, at mga terminal ng bus. Ang kanilang pagbigay serbisyo sa mga Police Assistance Desks (PADs) at ang maingat na pag-iinspeksyon sa mga ipinagbabawal na kagamitan ay tunay na nagpamalas ng tinatawag nilang “Serbisyong Nararamdaman.”

Sinabi pa ng Heneral, na hindi makakamit ang tagumpay – generally peaceful, kung walang kaagapay kung kaya, mapagpakumbaba din niyang kinilala ang napakalaking ambag ng mga force multipliers. Nandiyan ang mga barangay tanod, advocacy support groups, at mga security personnel na nagsilbing mata at tainga sa bawat barangay.



Sa ilalim ng superbisyon at gabay naman nina PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez, Jr. at NCRPO Regional Director PBGen. Christopher Abrahano, pinasalamatan din ni Gen. Olazo ang walang-sawang kooperasyon ng mga katuwang na ahensya tulad ng DPOS, TTMDO, QCDRRMO, MMDA, BFP, at BJMP.

Higit sa lahat, hindi nakalimutan ni Gen. Olazo ang kontribusyon mismo ng mga QCitizen. Ipinababatid din ng Heneral, ang kanyang pasasalamat sa publiko dahil sa kanilang disiplina at kusang-loob na pagsunod sa mga alituntunin sa seguridad.



Sa matagumpay na Undas, pinaalala din ni Gen. Olazo na ang ang tunay na leadership ay hindi tungkol sa pagsalo ng papuri, kundi sa pagpapakumbaba at pagkilala na ang tunay na tagumpay ay nasa pagkakaisa . Sa pagtutulungan ng pulisya, ng pamahalaan, at ng mamamayan, naging ligtas at taimtim ang pag-alala ng bawat pamilyang QCitizen sa kanilang mga yumao.

Sa inyo Gen. Olazo, sampu ng bumubuo sa QCPD, at sa mga kapamilya, at kapuso na tumulong sa pulisya ng QC, saludo ang milyong QCitizens sa inyo.