Advertisers

Advertisers

PRA, ITINUTULAK ANG MAKABAGONG PAGSASAKA SA MGA PAARALAN

0 35

Advertisers

Sa halip na umasa sa malalawak na lupang sakahan, hinihikayat ang mga kabataan na tuklasin ang makabagong pamamaraan ng pagtatanim na maaaring isagawa kahit sa limitadong espasyo.

Ito ang layunin ng Hydroponics Greenhouse Facility Project ng Philippine Reclamation Authority (PRA) na inilunsad sa Las Piñas National High School noong Oktubre 29, 2026.



Sa ilalim ng proyekto, magkakaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral na matutuhan ang hydroponics o pagtatanim ng mga gulay gamit ang tubig na may sustansiya sa halip na tradisyonal na lupa.

Sa pangunguna ni PRA Chairman Atty. Alex T. Lopez, inaasahang magsisilbing praktikal na lugar ng pag-aaral ang pasilidad upang maipakita sa mga estudyante kung paano pinagsasama ang agham, teknolohiya at agrikultura sa makabagong produksyon ng pagkain.



Bahagi rin ito ng pagsusulong sa mga programang pang-edukasyon ni First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos, katuwang ang Department of Education sa pamumuno ni Secretary Sonny Angara at ang Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas sa pangunguna ni Mayor April Aguilar-Nery.

Binigyang-diin ni Lopez na mahalagang maagang maipakilala sa kabataan ang mga bagong teknolohiya sa pagsasaka upang mahubog ang kanilang interes at kakayahan sa larangan ng agrikultura.



Bukod sa pagbibigay ng bagong kaalaman, ipinakikita rin ng proyekto na posibleng makapagtanim at makapagprodyus ng sariwang gulay kahit walang malawak na lupain.

Sa pamamagitan nito, umaasa ang PRA na makapag-aambag ang mga paaralan sa pagpapalawak ng kamalayan sa sustainable agriculture at pagsusulong ng seguridad sa pagkain sa mga komunidad.(BP)