Advertisers

Advertisers

‘Malalaking bulto ng abo, usok, posibleng ibuga muli ng Bulkang Mayon volcano sa mga susunod na araw’

0 29

Advertisers

HINDI inaalis ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang posibilidad na mas malalaking bulto ng abo at asupre pa ang ibubuga ng bulkang Mayon sa mga susunod na araw.

Ito ay kasunod ng muli nitong pagbuga ng makapal na usok nitong Martes, Nobyembre 3 na umabot ang taas sa 1,600 kms.

Pahayag ni Dr. Paul Alanis, resident volcanologist ng Mt. Mayon Observatory, mayroon pa ring natitirang mainit na magma sa loob ng bulkan na posibleng maging dahilan ng makakapal na usok na inilalabas at ilalabas nito.



Bagaman wala pang nakikitang pagdaloy ng lava at hindi pa nasusundan ang malakas na aktibidad noong Oktubre 30, hindi pa rin aniya dapat balewalain ang posibilidad ng mas malaking pagsabog sa hinaharap.

Sa kabilang banda, tumagal ng humigit-kumulang dalawang minuto ang naitalang pagbuga ng abo nitong 8:22 Martes ng umaga at isa ito sa mga naitala ng Phivolcs na malalaking bulto ng usok na lumabas sa naturang bulkan.



Natunton ng mga eksperto ang tuluyang pagkapadpad ng makapal na usok papuntang Guinobatan, Daraga, at Camalig, sa probinsiya ng Albay.

Muli namang ipinaalala ni Dr. Alanis ang mahigpit na pagbabawal sa pagpasok sa loob ng 6-KM permanent danger zone dahil sa panganib na dala ng bulkan, anumang oras.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">