Advertisers
GUSTONG malaman ng nakararaming Pinoy kung “ano” ba talaga ang totoong posisyon at ranggo sa gobyerno nitong si Jay Tarriela?
Yes, dear readers, ‘yung isa sa walong kadete na nahuli sa ‘exam cheating’ noong 2003 sa PMA pero nakalusot na masipa dahil nag-resign bago ang kanilang graduation nang sumunod na taon.
At ngayon nga ay “binuwenas” pa dahil ‘Commodore’ na siya sa Philippine Coastguard na ang pangunahing merito ay ang kanyang hindi itinatagong pagkamuhi sa China.
Makailang beses nang idiniin ng gobyerno na sa isyu ng ‘foreign relations’ at sigalot sa China, tanging ang Department of Foreign Affairs (DFA) ang may awtoridad na magsalita.
‘Yun nga lang, nakakuha ng “astig” na “kakampi” si Tarriela sa kampo ni Defense Secretary Gibo Teodoro at mga Amerikano (na ating “among tunay”), kaya kahit “baluktutin” niya ang katotohanan at mga kuwento para galitin ang mga Pinoy laban sa China ay okay lang.
Isa sa mga pinagtatawanan ngayon sa social media na bagong “imbento” ni Tarriela ay ang sisihin ang China kung bakit mataas ang lokal na presyo ng diesel at gasolina.
Dapat daw itong isisi sa China dahil hindi tayo makapag-explore ng langis sa ‘Benham Rise,’ isa sa mga maliliit na isla sa South China Sea na may sigalot tayo sa China.
Hindi natin alam kung sadyang “engot” itong si Tarriela o tamad magbasa ng mga balita at kasaysayan?
Mukha kasing hindi pa niya alam hangggang ngayon na ang mga Kano at Israel ang may KASALANAN kaya mataas ang presyo ng diesel at gasolina sa BUONG MUNDO nang gerahin nila ang Iran.
Eh, kahit nga si BBM, giyera sa Middle East ang sinisisi sa mataas na presyo ng krudo pero si Tarriela, China pa rin ang may “kasalanan,” susme naman talaga.
At para namang kapag nakapag-explore tayo sa Benham Rise, pagkaraan ng isang linggo, dadaloy na ang langis at ligtas na tayo sa mataas na presyo ng mga produktong petrolyo?
Kung ganitong senaryo ang gustong “ibenta” ni Tarriela sa mga Pinoy, iisa lang ang sasabihin nila: “Ang BOBO naman ng isang ito!”
Hindi dapat “iniismol” ni Tarriela ang ordinaryong Pinoy dahil mas matalino sila kumpara sa kanya, period!