Advertisers
IBINASURA ng Supreme Court (SC), sa naganap nitong En Banc Session, ang ‘petition for certiorari’ ni dating House Speaker Martin Romualdez.
Sa nabasurang petisyon, dito kinuwestyon ng mambabatas ang isinagawang ‘preliminary investigation, aplikasyon para sa preliminary hold departure order, at freeze order’ ng Office of the Ombudsman kontra sa kanya.
Maging ang hiling na mag-isyu ng Temporary Restraining Order para mapigilan sana ang Ombudsman na ipagpatuloy ang ‘preliminary investigation’ ay ibinasura din ng hukuman.
Pahayag ng SC, ang naturang petisyon ay naging moot at hindi na kinakailangan pang iresolba sapagkat naihain na sa Sandiganbayan ang kasong plunder, at na-arraign na din ang dating house speaker.