Advertisers

Advertisers

NURSING STUDENT NATAGPUANG PATAY SA CALAPAN CITY, ORIENTAL MINDORO

0 18

Advertisers

IKINASA na ng Oriental Mindoro Police Provincial Office ang malalimang imbestigasyon sa pagkamatay ng isang 20-anyos nursing student na natagpuang wala nang buhay sa isang bakanteng lote sa Barangay Sapul, Calapan City, madaling-araw noong Nobyembre 7, 2026.

Ayon sa opisyal na pahayag ni Provincial Director PCol Efraim Camara, inatasan na ang mga kinauukulang unit ng PNP na masusing sundan ang lahat ng posibleng lead at beripikahin ang mga aCCTV footage sa lugar upang matukoy ang mga posibleng saksi sa krimen.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng mga imbestigador sa mga opisyal ng barangay at iba pang ahensya upang makakalap ng impormasyong makatutulong sa paglutas ng kaso.



Nakikiramay naman ang kapulisan sa pamilya ng biktima at tiniyak na gagawin ang lahat upang mabigyang-linaw ang pangyayari at maitaguyod ang hustisya.

Hinikayat din ang publiko na magbahagi ng anumang impormasyong makatutulong sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya at iwasang magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon.



Nagdadalamhati ngayon ang pamilya ng nursing student sa maaga at malagim na pagkawala ng kanilang mahal sa buhay, kasunod ng pagkakatuklas sa kaniyang bangkay sa Barangay Sapul, Calapan City.

Sa isang pahayag, humiling ang pamilya ng panalangin at lakas para sa mga naulila, lalo na sa mga magulang at kapatid ng nursing student, sa gitna ng mabigat na pagsubok na kanilang pinagdaraanan.



Samantala patuloy naman ang imbestigasyon ng Calapan City Police na pinamumunuan ni PLtCol Michael Caraggayan kasabay ang paghihikayat sa publiko sa sinumang may impormasyong makakatulong sa paglutas ng kaso ay makipag-ugnayan sa kanila sa pamamagitan ng private message.

Sa ngayon, nakahimlay ang labi ng nursing student sa kanilang tahanan sa Labonan, Bongabong, Oriental Mindoro.

Umaasa rin ang mga naulilang pamilya na mabibigyang-linaw ang pangyayari at mananaig ang katarungan.

Rest in peace, Maru. Nawa’y makamit ng iyong pamilya ang hustisya. (RONALD BULA)