Advertisers

Advertisers

Cong. Sandro Marcos magpaliwanag ka!

0 59

Advertisers

BINIRA ng People’s Budget Coalition (PBC) ang biglang pagdami ng mga panukalang multipurpose building projects sa distrito ni House Majority Leader, Ilocos Norte Representative Sandro Marcos, panganay na anak ni Pangulong BBM.

Ayon kay PBC co-convenor AJ Montesa, mula sa wala pang apat na multipurpose buildings sa orihinal na panukalang budget, umakyat ito sa mahigit 200 proyekto sa bersyon ng Kamara.

Kasabay nito, lumobo rin ang kabuuang alokasyon para sa distrito mula sa tinatayang P400 milyon hanggang P4.7 bilyon, halos sampung beses na pagtaas.



“So we really need to have an explanation, para saan ba ito?”, tanong ni Montesa.

Nilinaw naman ng PBC na hindi ito direktang paratang ng korapsyon, ngunit itinuturing nilang malaking red flag ang biglaang pagdami ng proyekto, lalo’t walang kalakip na kumpletong programa ng trabaho, certifications of implementability, at geo-tagged photos na magpapatunay sa lokasyon at kahandaan ng mga ito.



Binigyang-diin din ni Montesa na nakababahala ang sitwasyon dahil nagmumula ito sa distrito ng anak ng Pangulo at lider ng mayorya sa Kamara, na inaasahang magpapakita ng halimbawa sa isang malinis at transparent na budget.

Mahigit 200 multipurpose buildings sa iisang distrito—kailangan bang ipaliwanag kung bakit napakarami, saan itatayo, at ano ang tunay na pangangailangan ng mga mamamayan? – Mula sa post ng Korap Republic



Naniniwala naman ako na malinis ang pagkatao ng batang Marcos, unlike ng mga anak ni dating pangulong Duterte na puros tainted ang pagkatao. Mismo!

Kailangan lang ng batang Marcos na ipaliwanag sa publiko ang biglang pagdami ng panukalang multi-purpos projects sa kanyang distrito.

Cong. Sandro, explain!

***

Naging katawa-tawa sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ng defense witness na si Engineer Jimmy Adalin, dating city assessor ng Davao City, nang sabihin niitong hindi niya maalala ang isang all-expense-paid trip sa China noong Nobyembre 2025 na inisponsor ng Chinese Consulate.

Sa cross-examination ni prosecution counsel Atty. Benjamin Tolosa Jr., kinumpirma ni Adalin na year 2017 siya permanenteng na-appoint bilang city assessor, sa ilalim ni noo’y Davao City Mayor Sara Duterte na siyang may kapangyarihan mag-appoint sa posisyon.

Pero nang tanungin kung kabilang siya sa mga opisyal ng Davao City na nagpunta sa China noong Nobyembre 2025 para sa isang all-expense-paid tour sponsored by the Chinese Consulate, agad umangal ang defense counsel, sinabing irrelevant ang tanong.

Natawa ang lahat sa sagot ni Adalin nang mismong prosecution counsel na ang kanyang sinabihan ng:

“I THINK THAT’S IRRELEVANT!”

Nagtawanan ang mga nanonood sa hearing, dahilan para biruin din siya ni Presiding Officer Senate President Chiz Escudero.

“Funny ka doon, ah. Funny ka doon, Engineer Jimmy,” bira Escudero.

Pero nang usisain pa, biglang sinabi ni Adalin na hindi niya talaga maalala kung nakapunta siya sa China.

“You cannot recall, sir, if in November 2025 you went to China last year?” muling tanong ni Tolosa.

Dito na pumasok si Senator Tito Sotto, nagsabing mahalaga ang tanong upang masukat ang credibility ng witness. Kung ayaw nitong sumagot, maaari naman kunin ang records mula sa Bureau of Immigration.

“Now, if he doesn’t want to answer, we can always ask the Bureau of Immigration. Simple, yes? Then the credibility is proven,” ani Sotto.

Maging si Escudero ay sinubukang linawin ang sagot ng witness kung ang hindi nito maalala ay ang petsa o mismong biyahe.

“Ang tanong po ay simple. So, ano po ang hindi ninyo naalala, yung petsa o yung biyahe?”, tanong ni Escudero.

Sumagot si Adalin na marahil ang petsa ang hindi niya maalala. Pero nang tanungin kung nakabiyahe nga siya sa China noong panahong iyon, hindi parin siya makapagbigay ng malinaw na sagot.

Napailing si Senator Erwin Tulfo, diretsahang sinita ang witness dahil tila hindi seryoso ang kanyang mga sagot gayong nasa ilalim siya ng panunumpa.

“Mister Presiding Officer, para ho tayong niloloko ng testigo na ito, sir. May I remind you that you’re under oath,” ani Tulfo.

Mas mariin pa ang kanyang babala:

“Yung ginagawa ho ninyong kengkoy ang inyong testimonya, bawal po ‘yan. We can cite you for contempt.”

Dagdag pa ni Tulfo, kung talagang hindi alam ng witness ang sagot, sabihin na lamang nitong hindi niya alam. Pero hindi dapat gawing biro ang isang testimonya sa impeachment proceedings.

“Yung pagsisinungaling po, eh nasa kanya ho ‘yun. May consequences po ‘yan,” babala ng senador.

Sa huli, tinapos na ni Escudero ang pagtatanong at sinabing sapat na ang narinig nila mula sa witness.

“We’ve heard enough from this witness,” ani Escudero.

Agad namang sinabi ni Atty. Tolosa na wala na siyang karagdagang cross-examination. – Mula sa post ng The Daily Netizen