Advertisers

Advertisers

Naomi Cesar pasok sa 800-m final ng YOG

0 48

Advertisers

UMUSAD si Naomi Cesar sa final ng women’s 800 meters sa athletics sa ika-4 na Youth Olympics, matapos niyang magtapos sa ikatlong pwesto sa kanyang heat sa Complexe Iba Mar Diop Stadium sa Dakar, Senegal.

Naitala ni Cesar ang oras na dalawang minuto at 20.16 segundo, habang nanguna sa isa pang heat si Netsanet Selemon ng Ethiopia na paborito sa event, sa oras na 2:08.28.

Parehong lagpas sa personal best ng mga atleta ang kanilang mga oras—2:04:40 si Selemon at 2:06:24 si Cesar, isang pambansang rekord sa Pilipinas na itinakda niya sa Portland Track Festival sa Grisworld Stadium sa Portland noong nakaraang Hunyo.



Naniniwala si Jasper Tanhueco, secretary-general ng Philippine Track and Field Association, na may “credible chance” si Cesar na makakuha ng medalya kung isasaalang-alang ang kanilang mga personal best na oras.

Ang final ng 800m ay nakatakda sa 5:10 ng hapon, oras sa Dakar sa Lunes (1 ng umaga Martes sa Maynila).



“I felt good about my run, it was really smooth,” wika ni Cesar, na nagwagi ng 800-m gold sa Southeast Asian Games sa Bangkok noong December 2025,at silver sa Asian Youth Games nakaraang taon rin sa Baahrain.

“I’m really excited about tomorrow and I’m ready for anything,”dagdag nya.



Si Cesar ay isa sa siyam na Pilipinong atleta na pinadala sa YOG ng Philippine Olympic Committee at sinuportahan ng Philippine Sports Commission.

Mas mabilis sina Khadija Elmostaqim ng Morocco (2:14:10), Valentina Cancino ng Chile (2:16.01), Yvette Kpatcha ng Togo (2:19.34) at Masa Weber ng Slovenia (2:19.89) kaysa kay Cesar kaya nakapasok din sila sa final.

Kasama rin sa listahan sina Mpho Maano ng Botswana (2:21.34), Awa Diarra ng Mali (2:23.35) at Ashly Benitez ng El Salvador (2:23.51).