Advertisers

Advertisers

61 pang OFWs na nag-repatriate mula Riyadh, nakauwi na sa Pilipinas

0 13

Advertisers

DUMATING na sa Pilipinas ang 61 Overseas Filipino Workers (OFW) mula Riyadh, Saudi Arabia noong Linggo, November 8.

Kabilang sa mga OFW na nakauwi na ang mga naapektuhan ng mga kanselasyon at suspensyon ng mga flight bunsod ng patuloy na tensiyon at kaguluhan sa Middle East.

Agad na nabigyan ng repatriation assistance ang mga apektadong OFW upang matiyak ang kanilang ligtas na pagbabalik sa bansa, alinsunod sa direktiba na pangalagaan ang kapakanan ng mga Pilipinong manggagawa.



Sa kabuuan, umabot na sa 804 ang matagumpay na napauwi ng pamahalaan, kabilang ang 787 OFW at 17 dependent.

Patuloy ang koordinasyon ng Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at Philippine Embassy sa Riyadh para mapaigting ang kaligtasan ng mga kababayang nais nang magpa-repatriate o umuwi sa Pilipinas.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">