Advertisers

Advertisers

Malupet din si Sec. Lopez sa DPWH

0 81

Advertisers

KASINGLUPET rin pala ni Secretary Vince Dizon ang pumalit sa kanya sa DPWH na si Sec. Giovanni “Banoy” Lopez pagdating sa sibakan ng mga tiwaling opisyal ng ahensiya.
Oo! Nitong Lunes, Nobyembre 9, 2026, apat (4) na district engineers ng DPWH ang sinipa sa kanilang puwesto dahil sa mga alegasyon ng katiwalian at iregularidad.
Ang apat na engineers na tinanggal  ay sina:
HERMON INES – District Engineer (DE) ng Tarlac 1st District Engineering Office. Tinanggal siya kasunod ng mga alegasyon ng korapsiyon.
SAIDALE MITMUG – District Engineer ng Cotabato 3rd District Engineering Office. Sinipa siya dahil sa mga alegasyon ng katiwalian.
CLIFTON VALENCERINA – OIC District Engineer ng Apayao 2nd District Engineering Office. Iniuugnay siya sa alegasyon ng pangingikil o paniningil ng SOP/kickback sa mga infrastructure project.
AMRON MITMUG – District Engineer ng Lanao del Norte 2nd District Engineering Office. Sinibak siya dahil sa pagsusumite at pagpapatunay ng mga supporting documents para sa mga proyektong hindi naman maipatutupad. Iniulat na 59 proyekto ang kaniyang na-certify bilang implementable para sa proposed 2027 National Expenditure Program (NEP). Subalit nang suriin ang mga dokumento at magsagawa ng inspeksiyon, lumitaw na hindi maisasakatuparan ang mga naturang proyekto.
Tiniyak ni Sec. Lopez na ipagpapatuloy niya ang ‘One-Strike Policy’ na ipinatupad noong panahon ni Dizon.
Ibig sabihin, ang mga opisyal na nasasangkot sa mga kahina- hinalang gawain ay maaaring agad na alisin sa kanilang puwesto habang isinasagawa ang kaukulang imbestigasyon. Tama lang!
Sina Lopez at Dizon ay nagpalit lang ng posisyon.
Galing sa Dept of Transportation si Lopez, at si Dizon ay sa DPWH kungsaan nakaparami niyang sinipa na mga tiwaling  engineer.
Sa Romblon kaya, kailan maiimbestigahan ang DE? Wish ko lang!!!
***
Pinakakasuhan ng Department of Justice (DOJ) ng cyberlibel sina Atty. Ferdinand Topacio, Byron Cristobal alyas “Banat By”, Jeffrey Celiz alyas “Ka Eric”, Krizette Chu, Jose Sonza (Jay Sonza), at Alex Destor alyas Tio Moreno kaugnay ng mga pahayag nila laban kay Sen. Risa Hontiveros tungkol sa imbestigasyon ng Senado sa mga alegasyon laban kay Pastor Apollo Quiboloy.
Sabi ni Hontiveros: “Hindi dapat palampasin ang mapanganib na kasinungalingan laban sa mga tumestigong biktima ng pang-aabuso ni Apollo Quiboloy.”
“We will always defend and support free speech and the press. Pero iba ito sa sistematiko at sadyang pagpapakalat ng fake news laban sa Senado, sa aming staff, at sa matatapang na testigo,” aniya.
Paktay na!