Advertisers

Advertisers

Senator-judge Raffy Tulfo tinawag na tanga ang naghanda ng SALN ni VP Sara

0 21

Advertisers

PINUNA ni Senator-judge Raffy Tulfo ang taong naghanda ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ni Vice President Sara Duterte.

Sa ika-41 araw ng impeachment trial, sinabi ni Tulfo na hindi na lamang niya gagamitin ang salitang masakit upang ilarawan ang taong naghanda ng naturang dokumento, ngunit direkta niyang tinawag itong “tanga.”

“Kung sinuman ‘yong nag-prepare ng SALN ni VP Sara, I’m not gonna use a word na medyo masakit, [ay] tanga,” ani Tulfo.



Ang pahayag ay ginawa ni Tulfo kaugnay ng mga usaping may kinalaman sa SALN ng Bise Presidente sa gitna ng impeachment proceedings.

Binigyang-diin ni Atty. Paolo Panelo, spokesperson ni Duterte na mas mainam na magharap ang kampo ng Bise Presidente ng mga third-party witness na may dokumentong magpapatunay sa kanilang testimonya, sa halip na umasa lamang sa pahayag ng mismong naghanda ng SALN ng Bise Presidente.



Ayon kay Panelo, maaaring maging self-serving ang testimonya ng naghanda ng SALN kung hindi ito susuportahan ng ebidensya.

Aniya, mas mahalagang magmula sa mga independent witness ang testimonya at nakabatay ito sa aktuwal na mga dokumento.



Nilinaw din ni Panelo na hindi siya bahagi ng defense team at ang desisyon kung tetestigo si Duterte ay gagawin ng kampo nito sa tamang panahon, matapos maiharap ang mga ebidensya. (Mylene Alfonso)