Advertisers

Advertisers

5,742 pulis napatawan ng parusa mula Aug. – Nov.

0 18

Advertisers

UMABOT na sa 5,742 pulis ang napatawan ng mga karampatang parusa ng Philippine National Police sa patuloy na isinasagawang “internal cleansing” sa hanay ng Pambansang pulisya mula August hanggang Nov. 4, 2026.
Sa datos, batay kay PNP Chief, General Jose Nartatez Jr., mula sa 5002 mga kasong administratibo ang naresolba, 5,742 personnel napatawan ng karampatan parusa kungsaan 1,562 ang tuluyang sinibak sa serbisyo, 2,748 sinuspende, 838 napatawan ng reprimand, 279 na-demote habang iba naman napatawan ng forfeitured ng sahod, restricion at wilhoding of privileges.
Sa mga sinibak sa serbiyo, 141 nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga, 70 ang sangkot sa robbery o extortion, 931 ang Absence without official leave, at 216 sangkot sa grave offense.
Binigyaan-diin ni Nartatez na hindi kukunsithin ng PNP at papanagutin ayon sa isinaad sa batas ang mga nasasangkot sa mga katiwalian o iligal na aktibidades ng sinuman mga personnel anuman ranggo o posisyon nito.
Muling iginiit ni Nartatez ang pagpapatupad ng “zero-tolerance policy” sa mga umaabuso sa kanilang mga kapangyarihn o katungkulan, pagkakasangkot sa iligal na aktibidades at iba uri ng mga maling gawain na nakakasira sa imahen ng PNP.
(Mark Obleada)