Advertisers

Advertisers

BIR, pinalawig ang deadline sa pagbabayad ng buwis sa NCR

0 54

Advertisers

IN-EXTEND ng Bureau of Internal Revenue (BIR) hanggang Nobyembre 19, 2026 ang deadline para sa paghahain ng tax returns at pagbabayad ng buwis na orihinal na nakatakda mula Nobyembre 16 hanggang 18, 2026, para sa mga taxpayer sa ilalim ng mga sakop na Revenue District Office (RDO) at Large Taxpayer divisions sa National Capital Region (NCR).

Ang naturang Tax Advisory, na nilagdaan ni BIR Commissioner Charlito Martin R. Mendoza, ay alinsunod sa Proclamation No. 1447 na nagdedeklara sa Nobyembre 16 hanggang 18 bilang special non-working days sa NCR kaugnay ng gaganaping 49th ASEAN Summit at iba pang nauugnay na pagpupulong.

Bago ito, pinahaba rin ng BIR ang ilang deadline sa paghahain at pagbabayad ng buwis sa buong bansa hanggang Nobyembre 13, 2026, sa ilalim ng Revenue Memorandum Circular No. 118-2026, para sa mga taxpayer na naapektuhan ng pansamantalang hindi paggana ng eBIRForms Offline Package dulot ng isinagawang system maintenance.



Sakop ng nasabing pambansang extension ang mga natukoy na return at payment na orihinal na nakatakda noong Nobyembre 10, pati na ang ilang partikular na transaksyon na may mga deadline mula Nobyembre 10 hanggang 12, 2026.

Gayunman, mananatili sa orihinal na schedule ang deadline para sa ibang mga lugar na hindi saklaw ng ASEAN events.



Para sa mga katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng BIR para sa mga kaugnay na usapin.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">