Advertisers

Advertisers

PAG-ALIS KAY NEPOMUCENO SA BOC, DAGOK SA MATINONG PAMUMUNO SA GOBYERNO

0 15

Advertisers

Sa loob ng napakatagal na panahon, sa pamumuno lang ni Ariel Nepomuceno bilang Commissioner natanggal ang bansag sa BOC bilang isa sa pinaka, kundi man pinaka-corrupt na ahensiya ng gobyerno.

Hindi matatawaran ang klase ng performance na ipinamalas ni Nepomuceno lalo na pagdating sa pagtimbog ng mga iligal na droga na umaabot ng bilyon-bilyon ang halaga.

Di na rin mabilang ang dami ng mga shipment na naharang ng kanyang mga tauhan na pawang iligal na droga ang laman at kung nakapasok sa bansa ay baka addict na tayong lahat.



Pagdating naman sa revenue o kita para sa gobyerno, nakapagpasok ang BOC ng revenue collection na P664.776 billion mula January hanggang August 2026, lagpas-lagpas sa target collection nang may P5.467 billion, base sa recently- adjusted revenue goals na aprubado ng Development Budget Coordination Committee (DBCC).

Naitala ni Nepomuceno ang pinakamalaking koleksyon para sa unang walong buwan ng isang taon.



Nakapagsagawa din ang BOC ng 858 seizure operations mula January hanggang August 2026 na may halagang aabot sa P22.737 billion, kung saan ang mga kontrabando ay iligal na sigarilyo, dangerous drugs, counterfeit goods, agricultural products at iba pang smuggled commodities.

Ang mga accomplishments na ito ang dahilan kung bakit naparangalan ang BOC nang ilang ulit sa ilalim ng pamumuno ni Nepomuceno.



Gaya na lamang ng Export Development Council (EDC) na pinuri ang BOC dahil sa pagpapatupad ng mga programang malaki ang tulong sa local businesses na makapag-export ng Philippine products.

Marami tuloy ang nagtatanong o nagtataka kung ano ba talaga ang matinding dahilan para palitan ang isang opisyal na kasing-galing at kasing-tino ni Nepomuceno.

Ilan lamang sa mga katanungang ito: ‘May ‘nasagasaan’ ba si Nepomuceno sa mga iligal na natimbog ng kanyang mga tauhan? ‘Mahirap’ ba kausap si Nepomuceno pagdating sa iligal? May mga tao bang nag-lobby na apektado ang ‘interes’ sa matinong pamamalakad ni Nepomuceno?

Mga katanungan lang naman ito na naglalaro sa isipan ko at natitiyak ko, sa isipan ng mga nakakaalam kung gaano katino at kaayos ang pamamalakad ni Nepomuceno.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.