Advertisers

Advertisers

2 Pulis-Maynila sibak sa viral na pagharang sa motorista

0 22

Advertisers

SINIBAK na sa serbisyo ng National Police Commission (Napolocom) ang dalawang pulis na na nakatalaga sa Manila Police District (MPD) nang mapatunayan ‘guilty’ sa kasong Less Grave iregularity in the Performance of Duty at Conduct Unbecoming of Police Officer.
Ang dalawang sinibak sa serbisyo ay sina Patrolmen Algrene Ar-ar Mirano Alcause at Jerome Caballa Toledo.
Ayon kay Napolcom Commissioner Rafael Vicente T. Calinisan, ang pagsibak sa dalawang pulis ay matapos pagtibayin ng Napolocm En Banc ang desisyon.
Nag-ugat ang kaso kaugnay ng nag-viral na traffic insident sa kahabaan ng Taft Avenue, Manila kungsaan nakasakay ang nasabing pulis sa isang marked police vehicle at hinarang ng da-lawa at kina-cut ang isang motorista noong Feb. 5,2026.
Sa isinagawang imbestigasyon ng Napolocm, sinabi ng dalawang pulis na sila’y rumiresponde sa isang tawag ng humihingi ng tulong at ang kanilang sasakyan ay nagkaroon ng mechanical failure.
Ang nasabing palusot ay pinabulaan sa maintenance report.
Nagpahayag ng matinding pagdismaya si Calinisan nang matuklasan na ang dalawang pulis ay nagsinungaling nang magtungo ang mga ito sa Komisyon upang magpaliwanag hinggil sa nasabing insidente noong Feb. 19, 2026
Sinabi ni Calinasan na ang mas nakakadismaya, “Hindi lamang nila ginawa ang ma-ling gawain, nagsinungaling pa sila sa akin nang personal silang humarap sa Commission upang ipaliwanag ang kanilang ginawa.”
Dahil dito, sinabi ni Calinasan na binago ng Napolcom En Banc ang kaso mula sa less Grave Misconduct sa Less Grave Irregularity in the Performance of Duty under Rule 21, Section 2(B)(2)(e) of NAPOLCOM Memorandum Circular No. 2016-002.
(Mark Obleada)