Advertisers

Advertisers

MINDORO SOLON, KASAMA SA PAGSUSULONG NG UBE AT KAWAYAN INDUSTRY

0 15

Advertisers

ORIENTAL MINDORO – Kasama si Oriental Mindoro 1st District Rep. Arnan C. Panaligan, bilang Vice Chairperson ng House Committee on Agriculture and Food, sa pagsusulong at pagsusuri ng mga panukalang programa para sa pagpapaunlad ng high-value crops, kabilang ang ube at kawayan.

Pinangunahan niya noong Setyembre 30, 2026 ang pagtalakay upang isama ang kawayan bilang isang mahalagang high-value at industrial crop, na kalaunan ay inaprubahan ng komite noong Oktubre 2026.

Kabilang sa mga isinusulong sa komite (sa pamamagitan ng House Resolution No. 01166) ang masusing pagsusuri at suporta sa kalagayan at produksyon ng industriya ng ube sa bansa.



Mahalagang bantayan ang mga hakbang na ito dahil maaari itong magbukas ng oportunidad para sa mga magsasaka ng Oriental Mindoro sa produksyon, processing, livelihood at market development ng ube at kawayan. (RONALD BULA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">