Advertisers
Ni Rommel Gonzales
Naiiba at pinag-uusapan ngayon ang pelikulang “Andoy” dahil sa metikulosong pagkakalahad ng naturang psychological thriller film.
Sa pelikula, na palabas na sa mga sinehan ngayon, ay nagpamalas ng kani-kanyang husay bilang mga artista sina Cedrick Juan, Jennica Garcia, Paulo Gumabao, at Albie Casino.
Sa “Andoy”, na mula sa Wonderlast Films at sa direksyon ni Mark Putian na siya ring sumulat ng script ng “Andoy” at siya ring CEO ng Wonderlast Films, ay tampok bilang mga pangunahing tauhan si Cedrick bilang si Andoy na isang party clown, at si Jennica naman ay gumaganap bilang si Shirley na anak ng isang congressman (played by Vic Romano) at host ng party kung saan clown si “Andoy”.
Mga bida rin sa pelikula sina Albie Casino (as Marco), Paolo Gumabao (as Nico), Aya Fernandez (as Jen), ang VMX male star na si Victor ‘VR’ Relosa (as Johnson na may bonggang butt exposure sa pelikula at kung saan shocking ang twist ng kuwento na may kaugnayan sa karakter ng Congressman), Angelica Lao (as Mia) at Harly Daria (as Toby).
***
Isang malaking karangalan para sa actress/singer na si Sheryl Cruz ang parangal na iginawad sa kanya ng 7th Laguna Excellence Awards.
“I’m very, very grateful and honored sa na-receive kong award hindi lang Outstanding Actress kundi Entertainment Icon,” ang pahayag ni Sheryl.
Sa katatapos lamang na 7th Laguna Excellence Awards ay pinarangalan si Sheryl bilang Entertainment Icon and Outstanding Actress na ginanap sa Seda Hotel sa Nuvali sa Sta. Rosa City sa Laguna.
“Napakalaking karangalan at ito ay ibinabahagi ko hindi lamang sa aking pamilya, mga kaibigan kundi mga colleagues ko sa industriya.
“At hindi lang iyon, sa aking mga followers noon at ngayon dahil para sa akin ang panalong ito ay panalo rin nila.”
Si Sheryl ay prime artist ng Artist Circle management ng mega- talent manager na si Rams David.
Last year and this year ay may mga tinanggap pang ibang awards si Sheryl at nang tanungin namin kung ilan na ay hindi na raw niya mabilang.
“Pero hindi iyon sa rami ng awards na nare-receive mo kundi sa mga tao na nata-touch mo, sa lives that you touch and also the inspiration that you leave behind.”
Kamakailan ay pinarangalan rin si Sheryl sa Manila International Film Festival sa Los Angeles sa Amerika, ang Shining A Light Award para sa pelikulang Kappa-tiran kung saan female lead si Sheryl. Kasama ni Sheryl sa naturang award si Nunungan, Lanao del Norte Vice-mayor Marcos Mamay na producer ng pelikula.
Bukod kay Sheryl, ilan pa sa mga awardees sa 7th Laguna Excellence Awards ay si Patricia Javier bilang Excellence In Entertainment and Beauty Pageant Award at ang mga kaibigan at kasamahan sa media na sina Rodel Fernando, Mildred Bacud at Rommel Placente sa pagkilala sa kanilang Marisol Academy bilang Outstanding Entertainment Online Show.
Samantala, si Ms. Heart Ortega ng IOSS Insurance na major supporter ng Laguna Excellence Awards ay pinarangalan bilang Woman of Excellence in Business and Leadership.
Ang founder ng Laguna Excellence Awards ay si Mr. Roldan Aris.