Advertisers

Advertisers

Sheree wish sumabak sa action, makasama si Coco Martin

0 12

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

ANG dami palang projects ni Sheree, nalaman namin ito sa sexy actress sa aming tsikahan recently.

Palabas na ngayon (nagstart noong Nov. 6) sa VMX ang pelikulang “MILF” na pinagbibidahan ng apat na Viva Hotbabes na sina Sheree, Katya Santos, Maui Taylor, at Gwen Garci.



Ngiti lang ang isinukli sa amin ni Sheree nang tanungin namin kung gaano siya ka-sexy at ka-daring sa pelikulang ito ni Direk Rodante Y. Pajemna Jr. Kaya na-curious kami and one of these days, panonoorin namin ito sa VMX.

May natapos na rin siyang isa pang movie with Direk Mac Alejandre na mapapanood sa Viva One. Plus, may TV series din si Sheree, ito ang “Taskforce Firewall” sa GMA-7, starring Kylie Padilla, Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara, Jak Roberto, Buboy Villar, at iba pa.



Anyway, ang matagumpay nilang reunion concert last October 23 sa New Frontier Theater titled “Bulaklak Viva Hot Babes Reunion Concert” kasama sina Maui Taylor, Katya Santos, Gwen Garci, Andrea del Rosario, Jaycee Parker, Ella V., at Jennifer Lee, ay dadalhin sa Dubai. This time, lima lang sa kanila ang available, ito’y sina Katya, Maui, Gwen, Jennifer, at Sheree.

Ito’y gaganapin sa January 9, 2027 sa Zabeel Park Amphitheatre at makakasama nila rito si Elias J TV Band.



Ayon kay Sheree, excited siya na dalhin ang show sa Dubai.
“Excited ako na madala namin ang show sa Dubai, na aabangan ito ng mga kababayan natin doon… kaya pinaghahandaan namin ito talaga. So, hopefully ay madala namin sa Dubai iyong show na buo, na talagang mag-eenjoy ang mga Filipino roon,” sambit pa ni Sheree.

Sa amin pang huntahan, inusisa namin ang aktres kung ano pa ang role na wish niyang magampanan?

Aniya, “Alam mo, ang hindi ko pa nagawa ay yung sobrang action talaga. As in, bakbakan talaga na parang Lara Croft ni Angelina Jolie. Iyong may suntukan, may sumasabog na kotse, matinding barilan… iyong pang-action star talaga ang dating.”

Paano kung kunin siya ni Coco Martin sa top rating serye niyang Sigabo?

Tugon ni Sheree, “Why not? Actually, sayang nga, kasi noong dati pa ay muntik na rin akong makuha ni Coco roon sa Batang Quiapo. Dapat kaming dalawa ni Lovi (Poe) ang magpo-pole (dancing) doon, kaso lang ay hindi natuloy, kasi noong na-schedule nila ako ng taping, iyon naman ang time na umalis ako ng bansa.

“So, hopefully, sana nga ay mapasabak din ako sa action (project) na kasama si Coco. Na habang nagpo-pole dancing ay nakikipagbarilan nang matindi,” nakangiting wika pa niya.

Pahabol na dagdag pa ni Sheree, “Double blessings iyon kung sakali, kasi nakapag-action na ako, with Coco Martin pa!”

Nabanggit din ni Sheree na isa si Coco sa hinahangaan niya.

“Oo naman, actually nakakatuwa kasi noong baguhan pa si Coco ay nagkaroon kami ng show together. Nag-guest ako dati sa isang show sa isang channel, na parang partner kami ni Coco Martin.

“So, kung mabibigyan ng chance, papasa kasi ako bilang kapatid ni Coco, e.” Nakatawang wika pa ni Sheree.