Advertisers

Advertisers

Carmelle ginawang sariling major concert ang Eurovision song competiton

0 11

Advertisers

Ni Beth Gelena

Dumating na sa bansa ang grand winner ng 1st Eurovision Song Contest Asia na si Carmelle Collado.

Sa panayam sa singer, hindi raw niya itinuring na isang singing competition nang nasa stage na siya Eurovision Song Contest bagkus nakamindset daw siya na iyun ay ang kanyang major concert para raw maibuhos niya ang lahat ng kanyang talento.



Nagbunga naman ang iniisip ni Carmelle dahil nasungkit niya ang makasaysayang pagkapanalo sa kauna-unahang edisyon ng naturang international music competition.

Hindi nagpakain sa pressure ang 19 years old singer kundi pinili niyang mag-enjoy lang at ibigay ang pinakamahusay na performance para sa kanyang awiting Sobra-Sobra.



Aniya sa panayam, “Hindi ko inisip as a competition. Ginawa ko siyang sariling major concert.”

Hindi raw niya inaasahang siya ang mag-uuwi ng kauna-unahang Eurovision Song Contest Asia trophy.



Para sa kanya, ang mahalaga ay naibigay niya ang kanyang best performance, at maituturing na lamang na bonus ang pagkapanalo.

“Noong inannouce hindi ko inexpect. Ang nag matter performance. Bonus na lang,” aniya.

Nagpasalamat naman siya sa lahat ng bumoto at sumuporta sa kanyang laban, lalo na sa mga kababayang Pinoy na walang sawang sumigaw at nag-cheer para sa kanya sa mismong venue.

Maging ang mga taong naging bahagi ng tagumpay ni Carmelle ay kanyang pinahalagahan — AXIS dancers at backup singers na sina Lyka Estrella at Arvey Love na parehong nagchampion din sa Tawag ng Tanghalan.

Ang mensahe ng kanta ni Carmelle ay isang pagpupugay sa mga kababaihang Pilipina at women. empowerment.