Advertisers

Advertisers

LOTLOT DE LEON, AYAW PAG-USAPAN ANG NAIWANG MANA

0 12

Advertisers

Ni Favatinni San

KAMAKAILAN, pumunta sa isang bayan sa Quezon si Lotlot de Leon kasama ang mga anak at saka dumiretso sa Iriga City.

Aba, noong nakita ang litrato niya sa labas ng bahay ng kanyang mommy Guy at may nagtaas ng kilay at sinabing inaayos niya ang mga naiwang lupain.



Nakangiti lang si Lotlot sabay sabing pumunta sila ni Janine para makita at makausap ang pamilya ni Pat na yaya ni Janine.

Gusto nilang makaganti sa serbisyo ng Yaya ni Janine at maipagawa ang bahay nila. Sobrang napamahal sa kanila si Yaya Pat. Sa pagyao ni Yaya Pat, sobrang lungkot sa bahay.



Naku, tikom ang bibig ni Lot, baka sabihin na naghahabol siya ng mana.

Kung sabagay, naglagay na siya ng tuldok na ‘di siya naghahabol ng mana. Oppps, kahit may nagpapatunay na legally adopted siya.



May karapatan siyang maghabol ng mana. Well, si Ian de Leon who took responsible sa Nora Enterprises at Nora Aunor Foundation.

Samantala, malapit na ang showing ng pelikulang 4O Days kasama ni Lot sina Dina Bonnevie, Elizabeth Oropesa, Snooky Serna at si Diego Gutierrez sa direksiyon ni Louie Ignacio.

JR COLLECTIONS, PATOK SA MALAYSIA

SA isang award giving body, nagkakilala kami ni JANDY ROMAN at kasama si Althea Ablan na bongga ang kasuotan noong gabing yaon e. Lahat pala kami mga awardees.

Kaya, nakapanayam namin si Jandy na matagal na siya naging fashion designer sa Dubai, for fifteen years.

Level up talaga si Jandy, his creation ay nirampa ng 12 models (6 males and 6 females) na galing sa iba’t ibang bansa.

Kasama ng ating Pinoy designer na si Jandy and his JR Collections para sa showcase 2 ng Penang (Malaysia) Fashion show ginanap sa Design Village Outlet Mall.

Iba talaga si Jandy, his taste in fashion designing ay gusto ng mga foreigners. Sure, babalik siya sa Malaysia for another show.

As of presstime nakabalik na siya sa bansa, tututukan niya ang Grand Global Ambassador International (GGAI) kung saan si Jandy ang official host organizer.

Proud tayo sa mga achievements ni Jandy.