Advertisers

Advertisers

Ex-BARMM parliament member Rimbang lumutang sa NBI

0 63

Advertisers

Humarap si dating Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliament member Sultan Edrieza Nasser Rimbang sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Huwebes kaugnay ng umano’y pagkakasangkot niya sa 521-kilong ilegal na droga na nasamsam sa Laos.
Kasunod ito ng inilabas na subpoena ng ahensya bilang bahagi ng imbestigasyon sa P3.5 bilyong shabu na nasamsam sa Laos noong Oktubre.
Kasama ni Rimbang ang kanyang abogado at may dalang sinumpaang salaysay.
Sinabi ni Rimbang na nagtungo siya sa NBI upang linisin ang kanyang pangalan kaugnay ng mga alegasyon.
Tinukoy siya ng mga awtoridad bilang umano’y financier o nagpondo sa naturang kargamento ng droga na pinaniniwalaang nakatakdang ipuslit sa Pilipinas.
Nauna nang itinanggi ni Rimbang ang pagkakasangkot sa operasyon ng ilegal na droga sa isang video statement.