Advertisers

Advertisers

Reklamo vs Laguna Gov. Aragones ibinasura ng Ombudsman

0 58

Advertisers

Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang rekla-mong inihain laban kay Laguna Governor Sol Aragones kaugnay ng umano’y hindi tamang paggamit ng disaster funds ng lalawigan.
Ayon sa impormasyong nakalap, ipinadala sa tanggapan ng gobernador ang kopya ng desisyon ng Ombudsman na nagdi-dismiss sa reklamo.
Gayunman, naghain ng motion for reconsideration ang complainant noong Nobyembre 11 upang hilingin sa Ombudsman na baligtarin ang naunang desisyon.
Sa mosyon, kinuwestiyon ng complainant ang batayan ng dismissal, partikular ang kakulangan ng ebidensiyang nagpapatunay na nakarating sa mga respondent ang kanyang mga kahilingan para sa mga dokumento.
Hiniling din ng nagreklamo sa Ombudsman na ipa-walang-bisa ang dismissal order at atasan ang respondent na magsumite ng kanilang counter-affidavit.