Advertisers

Advertisers

3 kapwa akusado ni Zaldy Co idineklarang pugante ng Sandigan

0 59

Advertisers

Idineklara ng Sandiganbayan na mga pugante sa batas ang tatlong kapwa akusado ni dating Ako Bicol party-list Representative Zaldy Co sa kasong graft kaugnay ng anomalya sa flood control project sa Oriental Mindoro.
Sa resolusyong inilabas ng Nobyembre 10, pinagbigyan ng Fifth Division ng anti-graft court ang kahilingan ng prosekusyon na ideklarang ‘fugitives from justice’ sina dating Department of Public Works and Highways (DPWH) materials engineer Timojen Sacar at Sunwest Construction and Development Corporation board members Anthony Ngo at Consuelo Aldon.
Iniutos din ng korte ang pagkansela sa mga pasaporte ng tatlong akusado upang mahadlangan ang kanilang patuloy na pag-iwas sa proseso ng batas.
Halos isang taon nang hindi naipatutupad ang mga warrant of arrest laban sa tatlo mula nang ilabas ang mga ito Nobyembre 21, 2025.
Ayon sa mga ulat ng law enforcement authorities na binanggit ng korte, hindi natagpuan si Sacar sa kanyang tirahan sa Quezon City, habang wala si Ngo nang puntahan ng mga awtoridad ang tanggapan ng Sunwest sa Legazpi City, Albay.
Hindi rin natagpuan si Aldon sa kanyang nakatalang tirahan sa Legazpi City. Ayon sa caretaker, huli itong nakita Agosto 2025.
Iginiit ng Sandiganbayan na dahil sa mataas na public profile ng kaso, makatuwirang ipalagay na batid ng mga akusado ang nakabinbing mga kaso at warrant of arrest laban sa kanila.
Itinuring ng korte ang patuloy nilang hindi pagpapasai-lalim sa hurisdiksyon nito bilang pag-iwas sa proseso ng hustisya.
Kabilang ang tatlo sa mga nahaharap sa kasong graft at malversation kaugnay ng ire-gularidad sa humigit-kumulang P289 milyong road dike project sa Naujan, Oriental Mindoro.
Ang graft case ay dinidinig sa Fifth Division, habang nasa Sixth Division ang hiwalay na kasong malversation.
Nauna nang idineklarang fugitive from justice si Co kaugnay ng mga kasong isinampa laban sa kanya.
(Boy Celario)